MAAALALA ng ilan nating mga kababayan ang araw, noong Setyembre, 1972, nang ianunsiyo ang martial law ng Marcos administration, ang takot hinggil sa lockdown sa Metro Manila nang makita nila ang mga checkpoints ng mga pulis at sundalo sa iba’t ibang bahagi nitong Linggo.
Gayunman, muling binanggit ni Secretary of Justice Menardo Guevarra, ang pagsisiguro ni Pangulong Duterte nang una niyang inan unsiyo ang 30-araw na lockdown na hindi ito martial law, hindi ito giyera. Isa lamang itong hakbang ipang mahinto ang pagkalat ng coronavirus (COVID-19), na hanggang nitong Linggo, ay bumiktima na ng 140 tao sa bansa at pumatay sa 12.
Itinalaga ang mga kawani ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines para sa iisang layunin, aniya—ang pigilan ang mga tao sa pagpasok at paglabas ng Metro Manila, sa hakbang na inaasahan ng pamahalaan na makapagpapahinto sa virus.
Walang magaganap na pag-aresto maliban na lamang kung may mga pasaway na ayaw sumunod s autos.
Gayunman, umaasa tayo na ang mga pulis at sundalo na nagmamando ng mga checkpoints ay mabibigay ng pahintulot sa mga mahahalagang rason, tulad ng emergency sa pamilya, o isang life-and-death situation. Dapat din itong ikonsidera sa pagpapatupad ng curfer ng bawat bayan o lungsod sa Metro Manila.
Hangarin ng mga limitasyong ito, hindi dapat malimutan, ay ang mahinto ang higit pang pagkalat ng coronavirus. Marahil pinakamahalagang restriksyon ay ang panawagan para sa “social distancing”— bawal maghawakan, panatilihin ang espasyo na isang metro sa susunod na tao. Na ngayo’y ginagawa sa mga karaniwang lugar tulad ng simbahan at malls, ngunit imposible namang maituturing ito sa mga bus at istasyon ng mga tren at mga bagon.
Inuumpisahan pa lamang natin ang pagpapatupad ng checkpoints, quarantine, distancing, at personal hand-washing at alcohol wiping. Isang buwan pa ang ating kailangang buuin, isang buwan upang makaroon ng mga adjustments sa trabaho at personal na paggalaw. Napunta tayo sa sitwasyong ito dahil sa kaso ng COVID-19 sa bansa, makalipas ang ilang linggo ng pagbaba ng kaso, bigla na lamang itong tu,aas sa mga hindi inaaasahang lugar.
Dapat tayong magpasalat na ang virus ay hindi pa nagiging kasing lala ng sa Italy, kung saan naitala ang nasa higit 17, 600 kaso at 1,266 pagkamatay hanggang nitong Linggo. Maging ang United States, na kilala para sa magandang serbisyong pangkalusugan, ngayon ay mayroon nang mahigit 2,000 kaso kasama ng 47 pagkamatay. Iniulat naman ng World Health Organization ang higit 143,000 kaso sa buong mundo hanggang nitong Linggo, kasama ang mahigit 5,400 pagkamatay.
May 111 kaso ang Pilipinas, kasama ang walong namatay hanggang nitong Linggo. Inaasahan pang tataas ang kaso ng COVID-19 pandemic sa buong mundo, matapos ang unti-unting paghupa sa China. Ikinalulugod natin ang pagsisiguro ni Secretary Guevarra sa Metro Manila land lock at umaasa tayo na ito at ang iba pang hakbang na isinagawa ng ating pamahalaan simula nitong Linggp ay makatutulong upang mapigilan ang pagbaba ng kaso ng namamatay sa sakit. Malaking bahagi ng tagumpay dito ay nakadepende sa kooperasyon na ipinapakita ng bawat isa.