UMAPELA ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na huwag katakutan ang mga pulis na nagmamando ng mga checkpoint sa Metro Manila, na kasalukuyang nakasailalim sa community quarantine mula nitong Linggo, upang mapigilan nag patuloy na pagkalat ng coronavirus diseases 2019 (Covid-19).

“Our policemen are also taking risks by being on the frontline. So, we ask the public to respect us, and do not be afraid of us while we are performing our job. This is for the welfare of the general public,” pahayag ni Lt. Gen. Guillermo Eleazar, PNP deputy chief for operations, sa isang panayam sa radyo.

“What the government, through the PNP, is doing in this critical and trying time is to protect and impose our right to life. When life is at stake, all other rights are subordinate to it,”dagdag pa nito.

Base sa kasunduan kasama ang Inter-Agency Task Force on Covid-10, ang mga pulis, katuwang ang mga sundalo, ang magpapatupad ng checkpoint sa mga tao, partikular sa mga papasok at palabas ng Metro Manila.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Pagbabahagi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director, Maj. Gen. Debold Sinas nitong Linggo, nananatiling nasa “warning mode” ang pagpapatupad ng community quarantine sa buong National Capital Region.

“Kasi we are still on the warning mode, hindi tayo magi-implement ng higpit kaagad kasi nga we expect na lilinawin nga ng mga tao…When the time comes higpitan natin, maglalabas kami ng panibagong checklist or guidelines,” pahayag ni Sinas sa isang pulong balitaan sa Quezon City Police District (QCPD).

“We do the maximum tolerance kung gusto mo pumasok hahayaan. Mamaya yan dahan-dahan na yan iiimplement na,” dagdag pa nito.

Ayon kay Sinas, kabilang sa mga pagsubok na hinaharap ng mga pulis ang kakulangan ng mga thermal scanners upang masuri ang temperature ng mga tao gayundin ang preventive equipment upang masiguro ang kaligtasan ng kanilang mga personnel laban sa pagkahawa sa virus.

Tinukoy ng NCRPO ang nasa 56 exit at entry points sa buong Metro Manila.

Kabilang sa mga lungsod na ito ang Caloocan, Malabon, Valenzuela, partikular ang North Luzon Expressway, Muntinlupa, Las Pinas, Paranaque, Marikina at Pasig.

Paglilinaw ni Sinas, patuloy pa nilang sinusuri ang sitwasyon upang matukoy ang mga lugar na kailangan pa ng checkpoints at kung anong adjustment ang gagawin para sa kaligtasan ng publiko at mga awtoridad.

Ayon kay Eleazer, nagdesisyon ang NCRPO na maging “lenient” upang hindi na ito makadagdag pa sa panic ng mga tao, matapos ang balitang community quarantine ng Metro Manila, kabilang ang ulat na tanging mga manggagawa lamang sa Metro Manila ang papayagang makapasok.

Aniya, kailangan ang mahigpit na pagsunod sa guidelines lalo na ang libu-libong tao na nagsisimula nang dumagsa sa Metro Manila upang pumasok sa kani-kanilang trabaho.

“The guideline, which our Chief PNP ordered to be crafted right after President Duterte’s announcement, was already cascaded to concerned commanders yesterday (Saturday). This guideline was well-thought of, based on the IATF recommendations and police experience, so it must be followed strictly in the soonest possible time,” ani Eleazar.

Aniya, ang guideline ay dapat sundin lalo’t ang paglabag dito ay pagkabigo sa aksyon ng pamahalaan upang mapigilan ang pagkalat ng virus.

Una nang nagdeklara ang PNP ng full alert status sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon), MIMAROPA (Mindoro Oriental at Occidental, Marinduque, Romblon, Palawan at Bicol Region.

PNA