BIGO man sa unang pagtatangka, buo pa rin ang loob ni boxing world champion Nesthy Petecio para sa minimithing Olympic slots.
Balik ensayo ang 27-anyos para sa inaasahang resbak sa sasagupaing 2020 World Olympic Qualifying Tournament – huling qualifying event poara sa Tokyo Olympics – sa Mayo 13-20 sa Paris, France.
Kinapos si Petecio sa kanyang hirit sa women’s featherweight quarterfinals sa katatapos na Asian-Oceanian Boxing Olympic Qualifying Tournament sa Amman, Jordan. Naungusan ang Pinay via split decision kay Japanese Irie Sena sa semifinal bout.
Maging ang mga kasangga sa National Team ay kumpiyansa makakalusot si Petecio para samahan ang mga bxers na sina Felix Marcial at Irish Magno sa quadrennial meet na nakatakda sa Hulyo.
Inaasahang mas mabigat ang laban ni Petecio dahil sasabak sa torneo ang pinakamatitikasna fighter na pawang nabigo sa kani-kanilang kampanya sa naunang mga qualifyiong meet para sa Tokyo Games.
May apat na slots na lamang ang nalalabi sa division ni Petecio kung kaya’t kaialngan niyang makausad sa semfinals sa naturang tournament upang magkwalipika sa quadrennial Games.
Kung pagbabatayan ang naging karanasan ni Petecio, tiyak ang kahandaan nito para makipagsabayan sa mahuhusay na boksingero sa mundo.
Nagawa na ito ni Petecio no ong na k a r a ang t a o n nang pagreynahan nito ang featherweight division ng 2019 AIBA Women’s World Boxing Tournament sa Russia.
“Mas pagsisikapan ko po talaga ito sa training dahil ito na yung last chance ko na mag-qualify. Mas focused ako ngayon sa training dahil gusto ko pong maabot yung target ko,” pahayag ni Petecio.
Sa kasalukuyan, bukod kina 2019 AIBA Men’s World Boxing Tournament silver medalist Eumir Felix Marcial at 2019 Southeast Asian Games silver medalist Irish Magno, pasok na rin sa Olympics sina pole vaulter EJ Obiena at gymnast Carlos Yulo.
Nakuha ni Marcial ang slots matapos pagharian ang men’s middleweight division sa Asian- Oceanian qualifying habang nasikwat naman ni Magno ang kanyang silya via boxoff sa women’s flyweight.