MINABUTI na rin ng organizers ng Beach Volleyball Republic (BVR) na suspindehin ang nakatakdang programam, partikular na ang mga out-of-town games habang malala pa ang banta ng Coronavirus o COVID-19 sa bansa.

“In light of the fluid coronavirus or COVID-19 situation in the country the Beach Volleybal Republic (BVR) announced the postponing of the BVR On Tour Puerto Galera and Dumaguete City legs scheduled on March 27 to 28 and April 4-5 respectively,” ayon sa pamunuan ng BVR.

Bunsod ito ng ipinatupad na community quarantine sa bansa.

Matagumpay ang naging kampanya ng nasabing sports nakaraang 30th Southeast Asian Games, kung saan kapuwa nabigyan ng podum finish ng men’s at women’s team ang Pilipinas buhat sa nasabing biennial meet matapos ang 14 na taon.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Layunin ng BVR na mapalaganap at maipakilala ng husto sa buong bansa ang larong beach volleyball, upang makakuha pa ng mga potnesyal na manlalaro, ngunit sa gitna ng nasabing krisis sa kalusugan, mas minabuti n mga atleta nito pati na ang kanilang mga tauhan.

“The BVR has the paramount duty and responsibility to ensure the safety and well-being of its fans, players, officials and crew,” anila.

-Annie Abad