KADALASAN ang tanong sa ilang mga kabataan ay kung sino ang kanilang paboritong “Superhero” o di kaya naman ay paboritong “basketball player”?

bata

Ngunit, tanyag sa ilang henerasyon na may isang “all-time favorite” na atletang tinatawag ang mga kabataan noon, at magpahanggang ngayon.

Hindi siya “superhero” at hindi din siya basketbolista, isa ang pinakamahusay na billiards player, kung saan dahil sa kanya, ay nagmarka ang pangalan ng Pilipinas sa mundo, matapos niyang pahiyain ang mga kilalang cue artists sa ibang bansa.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Siya ay walang iba kundi si Efren “Bata” Reyes o kilala din sa tawag na “The Magician” sa larangan ng billiards.

Mahigit isang Linggo na ang nakakalipas nang bigyang parangal ng Philippine Sportswriters Association (PSA) ang 65-anyos na si Reyes, kung saan ipinagkaloob sa kanya ang Lifetime Achievement Award.

Ito ay bilang pagkilala sa galing at karangalan na ibinigay ni Reyes sa bansa noong siya ang lumalaban pa ng larong billiards kung saan ay umabot ng kabuuang 70 international titles, ang kanyang naiuwi, kasama na kauna-unahang pool player na nagkampeon sa World 8-ball at 9-ball tournament.

Nauna dito ay pinarangalan din si Reyes ng Billiards Congress of America ng kaparehong karangalan dahil sa kanyang iniambag sa mundo ng billiards.

Ngunit kahit na tila nakamit na niya ang lahat may isa pa palang pangarap ang “The Magician” na hinahangad niyang matupad, ito ay ang mapabilang ang billiards sa Olympics.

“Dapat sana sa bilyar na ito, maisali sa Olympics,” pahayag ni Reyes sa isang panayam sa kanya. “Kase dito sa atin, wala pang Pilipinong nanalo sa olympics ng gold medallist. Siguro pag nagkaroon ng billiards ang Olympics baka manalo. Pero ‘di (na) siguro ako, may (mga) bata dito sa atin,” ani Reyes.

Sa nalalapit na 2020 Tokyo Olympics ay hindi kabilang sa 33 sports ang larong pool o pocket billiards na hanggang sa kasalukyyan ay tema pa rin ng debate sa pamunuan ng International Olympic Committee (IOC), kung saan ay hindi pa nila itong kinokonsiderang physical sports o ‘yung larangan ng sports na mangangailangan ng pisikal na lakas upang maisama ito sa nasabing quadrennial meet.

Bagama’t nauna na ng nagkaroon ng usapin hinggil dito, kung saan ay iginigiit sa Olympic Programme na mapabilang sa Agenda ng 2020 Olympics ang nasabing billiards gayung nagpapakita ito ng pantay na pagtrato sa mga atletang babae at lalake, maging sa kabataan at karangalan na maaring maibigay nito sa isang atleta.

Ayon kay Reyes, mas mahusay ang mga Pilipino sa larong pool, kumpara sa ibang bansa na mas pinagtutuunan ng pansin ang larong carom.

“Kumbaga dito sa tin, pinakamagaling sa tin dito, yung pool, sila sa ibang bansa gaya ng mga Vietnamese players, naman carom. Kaya sinumang kalaban natin dito sa pool, lamang tayo,” ayon pa kay Reyes.

Bukod kay Reyes, kabilang sa mga mahuhusay sa larangan ng pool sa bansa ay ang mga tinagurian world champions gayan nina Amang Parica, Francisco Bustamante, Rubilen Amit, Carlo Biado, Alex Pagulayan, at Dennis Orcollo.

Sa nakaraang 30th Southeast Asian Games (SEAG) ay nagpakitang gilas din ang mga cue masters ng bansa matapos na ibulsa ang kabuuang 12 medalya kabilang na ang 4 golds, 3 silvers, at 5 bronzes.

“Dito nakita mo walang karambola. Wala. Puro pool lang. Ang meron sa ‘tin, sa training center natin dun lang may karambola. Pero dati maraming karambola. Yung mga world champion na yan sa ibang bansa, may natalo din sa ‘tin noong araw. Kaya lang, hindi maganda yung karambola dito, parang hindi sila kumikita, nawalan sila ng naglalaro, lalo na yung mga bata,” ayon pa kay Reyes.

-Annie Abad