NAUDLOT din ang 2020 FIG Artistic Gymnastics Apparatus World Cup na lalahukan sana bilang pagsasanay ni Tokyo Olympic-bound Carlos Edriel Yulo mula Marso 12 hanggang 15 sa Baku, Azerbaijan.

YULO: Pahinga muna.

YULO: Pahinga muna.

I t o s a n a ang magsisilbing tuneup game ni Yulo bago sumalang sa 2020 Olympic Games na lalarga naman sa Hulyo 24 hanggang Agosto 9 sa Tokyo, Japan.

Mismong si Yulo ang nag-share ng naturang balita sa kanyang social media account.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“The finals of the FIG Apparatus World Cup in Baku have been cancelled following the decision of the go¬vern¬ment of Azerbaijan to avoid mass gatherings in the country for one month,” ayon sa ibinahaging post ni Yulo.

Gayunpaman, may nakatakda pang lahukan si Yulo - ang 9th Asian Senior Championships na gaganapin sa Tokyo, Japan sa Mayo 2 hanggang 5.

Kaya naman tuloy lang ang ensayo ni Yulo bilang paghahanda sa Asian meet at sa Tokyo Olympics kung saan malakas ang tsansa nitong makasungkit ng gintong medalya sa kanyang paboritong floor exercise.

Magugunitang nagkampeon si Yulo sa naturang event sa 49th FIG Artistic Gymnastics World Champion¬ships na ginanap sa Stuttgart, Germa n y noong nakaraang taon.

Sa parehong torneo rin nakasikwat si Yulo ng tiket sa 2020 Tokyo Olympics.

Plano sana ng Gymnastics Association of the Philippines na ipadala si Yulo sa Russia para sumailalim sa training camp.

Subalit tumanggi ang Russian association d a h i l n a r i n sa pangambang dulot ng coronavirus.

P u s p u s a n n a ang training ni Yulo sa Tokyo kasama si Japanese coach Munehiro Kugimiya.

Ilang mga bagong routines ang ini-ensayo nina Yulo at Kugimiya na magiging armas ng Pinoy world champion sa Tokyo Olympics.