NANAWAGAN nitong Sabado ang Malacañang sa publiko siguraduhin ang pagiging matapat at ang kooperasyon sa pamahalaan upang masiguro ang tagumpay na mapigilan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Sa inilabas na pahayag, hinikayat ni Presidential Spokesperson Salvador ang publiko na mahigpit na sundin ang panuntunan sa implementasyon ng “general” community quarantine sa Metro Manila upang mapigilan ang higit pang pagkalat ng Covid-19.
“The point of the directives issued by the Office of the President is to contain the spread of the coronavirus disease, and in the ultimate, totally eliminate the same from our country,” ani Panelo. “Hence, the Palace asks for the honesty and cooperation of our countrymen as it is now the health and safety of our populace which are at stake.”
Inilabas ang pahayag kasabay ng ulat ng Department of Health (DOH) sa nadagdag na 34 na bagong kaso ng COVID-19.
Sa isang memorandum na inilabas ng Palasyon nitong Biyernes, binibigyan nito ng direktiba ang lahat ng local government units sa Metro Manila upang masiguro ang mahigpit na implementasyon ng community sa kani-kanilang nasasakupan mula sa Marso 15 hanggang Abril 14.
Sa ilalim ng memorandum, lilimitahan ang paggalaw ng mga tao sa “accessing basic necessities and work” at ipinag-utos sa mga unipormadong kawani at quarantine personnel sa prisensiya sa mga border points.
Binigyan diin ni Panelo na ang “non-essential” entry at exit sa Metro Manila ay “restricted and prevented.”
Pinaalalahanan din niya ang mga naninirahan sa labas ng Metro Manila, kabilang ang mga media practitioners, na maaari lamang silang maglabas-masok sa rehiyon kung may kinalaman sa trabaho.
Kailangan din nilang magpakita ng katunayan para sa lehitimong trabaho sa mga border checkpoints upang masuri kung kailangan talaga ang paglabas nila sa Metro Manila.
“As a result, entry into or exit from the (Metro Manila) by workers, including legitimate media practitioners, are permitted only if their travel is essential, and not simply for leisure or otherwise, such as that the purpose thereof is to report for work or conduct essential business in the place of their destination,” pahayag ni Panelo.
Pinaalalahanan din niya ang mga indibidwal na hindi sumusunod o lumalabag sa community, na mahaharap ang mga ito sa “dealt with strictly in accordance with law”.