SA pamamagitan ng Twitter, humingi ng paumanhin at pag-unawa si Bela Padilla sa kanyang mga fans, dahil sa kanyang desisyon na tumanggi muna na makipag-photo ops sa publiko bilang pag-iingat na rin sa banta ng COVID-19.

Bela

Sa pag-asawang maintindihan ng kanyang mga fans ang kanyang naging desisyon, ikinuwento ni Bella ang na-encounter niya sa isang fan sa supermarket na humiling sa kanya ng photo—at binalewala ang hakabng na kailangan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Pagbabahagi ni Bella:

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Yesterday was the last time I’d blindly say yes to everybody, for now. I’m sorry, but I need to keep the people around me safe too. This pandemic is real. Sadly, the only way we can live our lives as normally as possible is to be extra cautious when we can.”

“I hope everyone understands when we refuse photos for the time being. I was shocked yesterday while at the grocery with my mom, a lady who seemed very kind approached and took her mask off and wanted my mom to take her photo with me. I understand the excitement but safety first can.”

Una rito, naglabas din ng kaparehong sintemyento ang komidyanteng si Vice Ganda.

“Pasensya na po talaga sa mga ‘di ko napagbibigyan ng selfie. Sana po talaga ay maunawaan ng lahat ang social distancing para sa ngayon,” pagbabahagi ni Vice.

Sana maunawaan ng mga fans ang panganib ng virus, better safe.

-ADOR V. SALUTA