MAINIT ang pag-welcone ng Bench at ni Ben Chan kay Andres Muhlach bilang isa sa bagong Bench endorser. Pinost ni Ben Chan ang photo ni Andres at ang sabi, “ New kid on the BENCH/block.”
Ni-repost ng parents ni Andres na sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales ang post ng Bench at Ben Chan kay Andres na sayang at wala silang comment.
“Thank you!!! @bcbench. So happy to be part of the bench family,” reaction ni Andres sa post ng Bench at nag-comment din sa Instagram (IG) account niya ng “Glad to finally be a part of the BENCH/crew. Thank you @bcbench @benchtm for the warm welcome! Exciting times ahead! Can’t wait.”
Hanggang sa pagiging endorser lang muna yata papayagan nina Aga at Charlene ang kanilang mga anak, hindi pa sa showbis. Saka, parang si Andres muna ang pinauna nilang pasukin ang pagiging endorser, hindi pa ang kakambal nitong si Atasha.
-NITZ MIRALLES