NAGDESISYON ang UAAP management committee (Mancom) na ideklarang co-champions sa girls basketball ang Adamson University at University of Santo Tomas.
Nagresulta ang desisyon nang mapagkasunduan na huwang nang ituloy ang nakatakda sanang ‘winner-take-all’ Game 3 ng liga bilang pagtalima sa ipinag-utos ng pamahalaan na ‘community quarantine’ sa buong Kamaynilaan para masugpo ang COVID-19.
Tabla ang serye bago ang deklarasyon matapos magwagi ang UST sa Game One, 73-68, at nakabawi ang Adamson sa Gsame Two, 79-74.
Nakatakda sana ang Game Three sa Marso 6 sa Filoil Flying V Centre.
Bahagi ng Adamson sina Crisnalyn Padilla, Joan Camagong, Charlene Carcallas, Kat Agojo, Mia Miguel, Abegail Amdad, Trina Roy, Nina Pohen, Janice Brutas, Erica Reyes, Kristel Villarba, at Beatrice Bautista. Pinangangasiwaan ang Lady Baby Falcons ni head coach Ewon Arayi.
Miyembro naman ng UST, sa pangangasiwa ni coach Ford Grajales, sina twins Erika and Nicole Dagangan, sisters Brigette at Claudine Santos, Rachel Lacayanga, Mickaela Sison, Chille Serrano, Jane Araza, Gabrielle Rivera, Jazly Estudillo, Francesca Eroles, at Nicole Tubog.
Pangatlo naman ang De La Salle-Zobel ( 2-4) kasunod ang Ateneo High School (0-6).