PARA sa mga katanungan ng mga kababayan nating TFC subscribers na sumusubaybay sa mga primetime shows ng ABS-CBN ay pansamantala muna nilang hindi mapapanood ang FPJ’s Ang Probisyano, Make it With You, A Soldier’s Heart at Pamilya Ko.

May Bukas Pa

Muling nagpalabas ng anunsyo ang ABS-CBN management ng mga programang ipapalit nila pansamantala sa mga programang nabanggit.

“Gaya ng una naming ipinahayag, itinigil muna ang taping ng lahat ng mga teleserye bilang pagsunod sa mga patnubay ng pamahalaan kaugnay sa COVID-19 outbreak at para sa kaligtasan ng lahat.

Relasyon at Hiwalayan

Rayver Cruz, todo-bigay kapag nagmahal

“Hi n d i mu n a n a t i n makakasama si Cardo Dalisay at ang mga paborito ninyong karakter sa teleserye sa primetime block ng ABS-CBN.

“Simula sa 16 Marso 2020, muli naming ipalalabas ang mga teleseryeng minahal ng mga Pilipino at ieere ang isang iWant original series para pumalit sa mga programa namin sa gabi.

100 Days to Heaven

“Ang Pamilya Ko ay papalitan ng teleseryeng 100 Days to Heaven nina Coney Reyes, Jodi Sta. Maria at Xyriel Manabat para magbigay ng inspirasyon sa mga manonood.

“Magbabalik naman si Bro sa primetime sa May Bukas Pa kasama si Zaijian Jaranilla bilang kapalit ng FPJ’s Ang Probinsyano.

“Ang Make it with You ay papalitan ng hit romantic comedy series nina Nadine Lustre at James Reid na On The Wings of Love.

“At ang A Soldier’s Heart ay papalitan ng mystery thriller na I Am U, ang iWant original series ni Julia Barretto mula Marso 16 hanggang 20.

“Tinitiyak namin sa aming mga manonood na pansamantala lamang ang mga pagbabagong ito. Ibabalik namin ang regular programming ng ABS-CBN kapag bumuti na ang sitwasyon at sigurado kaming hindi malalagay sa alangan ang kaligtasan at kalagayan ng lahat.

OTWL

“Ang mga paborito nating teleserye ay patuloy na magbibigay ng pag-asa at inspirasyon sa inyo, mga minamahal naming Kapamilya.”

-Reggee Bonoan