UTAH (AP) – Kinumpirma rin ni Donovan Mitchell, star guard ng Utah Jazz, na positibo siya sa COVID-19, nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) sa gitna nang naging pahayag ng NBA na ‘temporary shut down’.

KAYA NATIN ‘TO! Kapwa nagpahayag ng katatagan sina Utah Jazz center Rudy Gobert (kanan) at guard Donovan Mitchell matapos magpositibo sa COVID-19. (AP)

KAYA NATIN ‘TO! Kapwa nagpahayag ng katatagan sina Utah Jazz center Rudy Gobert (kanan) at guard Donovan Mitchell matapos magpositibo sa COVID-19. (AP)

Kagad namang humingi ng paumanhin ang kasangga niyang si Jazz center Rudy Gobert — unang NBA player na nagpositibo sa naturang karamdaman na naging dahilan sa desisyon ng NBA management – kasabay ng pormal na pagkompirma sa kanyang kalagayan.

“I was careless and make no excuse,” pahayag ni Gobert sa kanyang Instagram post.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

Hindi kaagad nalaman ang resulta ng test kay Mitchell na lumabas lamang nitong Huwebes sa unang araw ng NBA hiatus. Sumailalim naman sa agarang pagsusurti ang lahat ng player ng Jazz, gayundin ang staff at ilang miyembro ng media matapos ipagpaliban ang laro ng Jazz sa Detroit nitong Miyerkoles.

Kaagad ding s u m a i l a l i m s a pagsusuri ang mga miyembro ng Detroit P i s t o n s , Boston Celtics, Washington Wizards at Toronto Raptors, gayundin ang mga staff at ball boys matapos makaharap ang Jazz players bago lumabas ang pagsusuri kay Gobert. Isinailalim si la sa 14 days quarantine.

“Thanks t o everyone who has been reaching out since hearing the news about my positive test,” p a h a y a g n i Mitchell. “We are all learning more about the seriousness of this situation and hopefully people can continue to educate themselves and realize that they need to behave responsibly both for their own health and for the well being of those around them.”

Nagsimula ang masamang kapalaran kay Gobert sa isang simpleng biro.

Bago lisanin ang media session sa shootaround sa Salt Lake City nitong Lunes, pinaghahawakan ni Gobert ang lahat ng mike at tape recorders na gamit ng mga reporters sa panayam.

“You know, there’s not much we can do right now,” pahayag ni Gobert nang tanungin hingil sa ginagawang paraan ng koponan para labanan ang virus.

Mula sa nakatatawang tagpo, kalungkutan ang pumapailanlang sa NBA.

“I have gone through so many emotions since learning of my diagnosis … mostly fear, anxiety, and embarrassment,” pahayag ni Gobert. “The first and most important thing is I would like to publicly apologize to the people that I may have endangered. At the time, I had no idea I was even infected.”

Sa ibang tao, kinakikitaan lamang ng maliit na sintomas tula dng lagnat at ubo, ngunit sa iba higit yaong may mga dati nang karamdaman mas mabigat ang naidudulot nito sa katawan ng pasyente kabilang ang pneumonia.

Mabilis ang reaksyon sa pahayag ni Mitchell. Ang kanyang ama na si Donovan Mitchell Sr., New York Mets’ director of player relations and community engagement, ay pinayuang sumailalim sa pagsusuri bilang “precautionary measure.”

“We are making those arrangements,” ayon sa Mets