PINAGHARIAN ni University of Perpetual Help System DALTA top player Jerome Adrian Aragones ang katatapos na BATCH-CEFAG Youth U-16 1950 Rapid Chess Championship na ginanap kamakailan sa Waltermart, Taytay, Rizal.

Nakakolekta si Aragones ng 9.5 puntos para makopo ang titulo, isang puntos ang kalamangan kay solo second place Mckertzee Gelua ng Muzon National High School na may 8.5 puntos.

Nakasalo naman ni Emmanuel Barbosa ng Casimiro A. Ynares Sr. Memorial National High School sa third at fourth si John Marc Pescador ng Kapt. Eddie T. Reyes Integrated School matapos kapwa makaipon ng tig 8 points habang fifth place naman si Heina Dynamica Ruiz ng St. Uriel Academy na may 7.5 points.

Ang 1-day event ay suportado nina sportsman Eduardo “Ed” Madrid, Gov/Gen Louie Ticman ng Rublou Group of Companies at national arbiter Boyet Tardecilla.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!