SA kabila ng mahigit 3,000 pasyente mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo na namatay dahil sa COVID-19, patuloy pa rin ang pananalasa ng virus na sumusubok sa katatagan ng mundo, nagdudulot ng pagbagsak ng stock exchange, at pagkamatay ng ilang mataas na tao.
Bilang pagkilala sa mga Pilipinong medical practitioners, wala pang biktimang Pilipino ang namamatay na may kaugnayan sa sakit. Isang Pilipinong pasyente na kabilang sa person under investigation (PUI) ang namatay noong Pebrero ngunit nagnegatibo ito sa COVID-19.
Kabilang sa mga napaulat na namatay ang ‘di pinangalanang Chinese film director na inilarawan lamang bilang “notable” at si Iranian luminary Mohammad Mirmoham-madi, tagapayo ni Iran’s supreme leader Ayatollah Ali Khamenei. Habang nagpositibo rin sa sakit si Iran vice president, Masoumeh Ebtekar.
Sa kabila ng lahat ng ito, pinaka nakababahalang balita mula sa COVID-19 outbreak ay ang ulat na ang sakit ay “aftermath” umano ng maling paghawak ng bacteria na para dapat sa isang biowarfare. Nagkataon pa, na ang National Biosafety Laboratory ng China, ang nag-iisa sa bansa, ay matatagpuan sa Wuhan, ang episentro ng epidemya. At ang laboratory, ay nasa loob mismo ng Wuhan Institute of Virology.
Sa Wuhan, sa probinsiya ng Hubei, unang naitala ang virus.
Dahil dito, may laganap na sentimyento ngayon, maging sa mga kilalang medical group, na ang sakit ay isinisi lamang sa mga wild animals sa Hunan marketplace upang mailayo ang atensyon mula sa pagkabigo ng mga siyentista na maitago ang virus sa laboratory.
Marami sa atin ang hindi naniniwala sa misteryo o occult, ngunit may isang suhestiyon din na ang pagkalat ng sakit sa mga tao na walang kaugnayan sa Wuhan ay maaari la-mang maipaliwanag sa labas ng siyensiya, tulad ng sumpa at kulam.
Samantala, naglabas naman ng pahayag ang Washington na nagsasabing sa kasalukuy-ang pagsusuri ng US, particular sa Seattle kung saan anim na ang naitalang namatay, malinaw na ang pagkalat ng virus ay nangyayari bago ba ito maging visible.
Mapanganib at naipapasa, nakitaan na ang COVID-19 ay tumatama sa mga matatanda at malaki ang pangamba ng mga awtoridad sa US na ang sakit, kung hindi agad mapipigilan, ay maaaring lumikha ng kaguluhan sa mga nursing home kung saan nan-inirahan ang mga matatanda at may sakit. Dahil tumatagal umano ang virus sa mala-lamig na lugar, ang pagpuksa sa sakit na ito ay lalo pang naging pahirapan.
Sa ngayon, nagkaroon na ng nakaaalarmang kaso ng COVID-19 sa labas ng episentro ng outbreak, particular sa South Korea, Italy, Iran, at ngayon sa US. Maging sa Africa at nakapagtala na rin ng unang kaso. Habang patuloy ang paglaban sa impeksyon, inaaasahan na ng mga financial experts ang pagbaba o pagbawal ng ekonomiya ng mundo.
Ngunit nananatili pa rin ang katanungan: Ang COVID-19 ba ay sumpa, sakit o biowar-fare escapee?
-Johnny Dayang