PARA masiguro na mapigilan ang paglaganap ng Novel Cornavirus Disease (COVID- 19), minabuti ng Philippine Sports Commission (PSC) na pansamantalang isara ang tanggapan sa Maynila at Pasig upang isailalim sa sanitation.
Walang pasok ang mga empleyado at pansamantalang hindi muna ipagagamit sa publiko ang mga sports facilities sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila sa Philsports Complex sa Pasig.
“The PSC will implement a preventive closure tomorrow to undertake sanitation procedures in all its facilities in Manila and Pasig, in light of the World Health Organization (WHO)-declared COVID-19 pandemic,” bahagi ng anunsiyo na i p i n a l a b a s kahapon ng PSC.
Ngunit, siniguro rin ng tanggapan na babalik sa Lunes,Marso 16 ang op er a syon ng naturang ahensiya ng gobyerno at patuloy na maglingkod sa mga atletang Pinoy.
“ I n this light, the public is advised that work is suspended tomorrow, March 13, as the different offices will also undergo sanitation. Work will resume on Monday, March 16. We advise everyone to be pro-active in ensuring their safety and good health,” anila.
Noong nakaraang buwan lamang nang magdesisyon si PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez na kanselahin lahat ng mga nakahanay na laro at aktibidades sa ilalim ng kanilang pamamahala, upang masiguro ang kaligtasan ng mga atleta, coaches at sports officials, gayundin ang publiko.
Kabilang sa mga kinasela ng PSC ay ang Philippine National Games (PNG), Batang Pinoy, National Sports Summit, at ilan pang mga pagpupulong.
-Annie Abad