MIAMI (AP) – Hindi rin nakaligtas ang NBA sa bilis ng COVID-19.

PATIENT ZERO! Kinila ng AP sources si Rudy Gobert (kaliwa) ng Utah Jazz, habang dinedepensahan ni Serge Ibaka ng Toronto Raptors sa kanilang laro nitong Lunes, na positibo sa COVID- 19, dahilan upang suspindihin ‘until further notice’ ang mga laro sa NBA. Bago nakumpirma, nakapaglaro si Gobert laban sa Boston, Toronto, New York at Cleveland at may direktang kontak sa kabuuang 50 p0layers, 15 referees, ball baoys at team personnel.

PATIENT ZERO! Kinila ng AP sources si Rudy Gobert (kaliwa) ng Utah Jazz, habang dinedepensahan ni Serge Ibaka ng Toronto Raptors sa kanilang laro nitong Lunes, na positibo sa COVID- 19, dahilan upang suspindihin ‘until further notice’ ang mga laro sa NBA. Bago nakumpirma, nakapaglaro si Gobert laban sa Boston, Toronto, New York at Cleveland at may direktang kontak sa kabuuang 50 p0layers, 15 referees, ball baoys at team personnel.

Matapos kompirmahin na nagpositibo sa COVID-19 virus si Utah Jazz center at France superstar Rudy Gobert, kaagad na sinuspinde ng liga ang season “until further notice” nitong Miyerkoles (Huwebes sa Manila).

Bago ang hindi inaasahang desisyon, nagpulong sa pamamagitan ng teleconference ang lahat ng team owners at majority ang sumang-ayon na magsagawa ng mga laro via ‘closed door’.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

“The NBA is suspending game play following the conclusion of tonight’s schedule of games until further notice,” the league said in a statement sent shortly after 9:30 p.m. EDT. “The NBA will use this hiatus to determine next steps for moving forward in regard to the coronavirus pandemic,” ayon sa opisyal na pahayag ng NBA.

Lumabas ang resulta ng medical test ilang minuto bago ang tip-off sa laro ng Utah sa Oklahoma City. Nagpapapawis na ang mga players sa ‘warmups’ nang pabalikin sa locker room. Matapos ang 30 minuto, pormal nang ipinahayag ang kanselasyon ng laro “due to unforeseen circumstances.”

“It’s a very serious time right now,” pahayag ni Miami Heat coach Erik Spoelstra. “I think the league moved appropriately and prudently and we’ll all just have to monitor the situation and see where it goes from here.”

Nagpalabas ng pahayag ang Jazz hingil sa player na nagpositibo, ngunit hindi nila ito pinangalanan. Inilabas ng AP ang pangalan ni Gobert batay na rin sa dalawang mapagkakatiwalaang source.

“The individual is currently in the care of health officials in Oklahoma City,” ayon sa Jazz management.

Nito ring Miyerkoles, idineklara ng World Health Organization (WHO) na isa nang ‘pandemic’ ang COVID-19.

“This is crazy,” pahayag ni Cleveland forward Tristan Thompson sa kanyang Twitter.

Lubos naman ang pag-aalala ni Dallas Mavericks owner Mark Cuban sa kanyang matandang ina nang matanggap ang balita.

“This is a global pandemic where people’s lives at stake,” sambit ni Cuban. “I’m a lot more worried about my kids, and my mom is 82 years old, and talking to her, and telling her to stay in the house, than I am about when we play our next game.”