HINDI na rin nakaiwas ang Philippine Basketball Association (PBA) sa COVID-19.

Mula sa orihinal na plano na magsagawa ng ‘close door’ game, ipinahayag ni PBA Commissioner Willy Marcial, matapos ang pakikipagpulong sa mga miyembro ng Board, na ipagpaliban ang mga laro sa Philippine Cup, gayundin ang liga sa D-League at 3x3 basketball.

Kabilang sa mga ipagpapalibang mga laro ang nakatakdang doubleheader sa pagitan ng NorthPort at NLEX at Tnt Katropa at Phoenix Miyerkoles ng gabi sa Araneta Coliseum.

Hindi na rin matutuloy ang unang out of town game ngayong season tampok ang Barangay Ginebra at Blackwater na idaraos sana sa Sabado sa Balanga, Bataan.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Pag-aaralan at titingnan ng liga ang sitwasyon sa araw-araw base na rin sa itinakdang mga parameters ng Department of Health at ng World Health Organization.

Ginagawa nila ito ayon sa pamunuan ng liga dahil responsibilidad nila na siguruhin ang kaligtasan at kalusugan ng mga fans, players, teams, officials at staffs ng liga.

-Marivic Awitan