HINDI nakadalo si Janice de Belen sa ginanap na mediacon ng iWant digital series na Fluid na pagbibidahan nina Roxanne Barcelo, Ann Colis at Joross Gamboa mula sa direksyon ni Benedict Mique for Lonewolf Films.

JANCIEQ

Si Janice ang gaganap na nanay ni Roxanne at si Al Tantay naman ang tatay.

Sa nauna naming panayam kay Janice sa ginanap na storycon ng Fluid ay masaya siya dahil unang iWant series niya ito.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

“It’s a new experience for me so I’m looking forward and I watch a few things on iWant so gusto ko ring ma-experience as an actress so, eto na nga. I’ll be the mom of Roxanne. Feeling ko ako ‘yung awakening dito sa story na ito, we’ll see,” say ni Janice.

Ang takbo ng kuwento ng Fluid base kay Janice, “it’s an exploration sa sex, it’s wakening to different things, I guess all the characters hindi biglaan, it’s not a jump from point A to point B that’s why it’s called Fluid, I guess. When everybody becomes fluid hindi na kailangan ng mga definition or big things so for me it’s my first time to do something like this so baka kasama ako sa fluid.”

Sa totoong buhay ba ay naka-encounter na ang aktres ng fluid, “sa trabahong ito, oo naman. Sa trabahong ito, everything is a norm already. Hindi ka na magtatanong, magmamasid ka na lang.”

At dahil sa exclusive school for girls nag-aral si Janice ay tinanong namin kung naka-experience siya ng fluid.

Dahil base sa kuwento ng direk Benedict ay nabuo niya ang kuwento ng Fluid noong nagturo siya sa exclusive school for girls at ang dami niyang nakitang same sex relationship, bukod pa sa mga nakatrabaho niya sa production.

At ang sagot ni Janice, “I still was working in this industry. Maaga akong namulat sa maraming bagay so it isn’t very different from what I experienced. Mas marami lang classification now mas maraming definition. I guess mas nakakahilo kasi dati ito lang ang alam ko ngayon mas marami ng letra (LGBTQAI), sometimes you just (staring), ano kayang letra ‘to? Okay na.”

Samantala, ano naman ang reaksiyon ngayon ni Janice na maraming pelikulang lokal at banyaga na ang hindi masyadong pinapasok ng manonood dahil sa COVID 19. Maging sa malls ay iilan na lang ang namamasyal lalo’t nagtala na ang Pilipinas na nasa 24 na ang kumpirmadong meron.

“Mask is a prevention, mask is once way of defending yourself or ang feeling mo if I don’t go out wearing a mask, I might not be protecting myself but really what comes into place all of these is hygiene, cleanliness, you need to strengthen your immune system and you need to take care of yourself more kasi parang feeling ko nu’ng bat aka, di ba ‘yung puyat ka ng puyat, parang ‘hindi kaya ‘yan, magkasakit ako, isang araw lang, bukas okay na ako, inuman ko ang ‘to ng vitamin C or uminom lang ako ng sangkaterbang orange juice okay na.’

“I think now a day is very different because everything is changing, there’s climate change, there is fluid, there are so many things that are changing so as our health, you need to protect ourselves, so really wearing a mask, always carrying alcohol, hand sanitizer is once way of feeling secured.

“It’s really inside kung hindi ka naman maingat sa sarili mo kahit na gaano karaming mask kahit patong-patong pa ‘yan, kahit na sangkaterbang alcohol you will get sick,” mahabang paliwanag ng aktres.

Anyway, good thing na hindi na kailangang lumabas ng bahay para mapanood ang Fluid series sa Marso 13 dahil anytime ay puwede na itong mapanood sa iWant.

-Reggee Bonoan