BILANG bahagi ng pag-iingat sa paglaganap ng COVID-19 , pormal nang ipinahayag ng Department of Education (DepEd) ang pagpapaliban sa 2020 Palarong Pambansa.

Sa panayam sa telebisyon, sinabi ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro ang naging desisyon matapos ang pakikipagpulong sa DepEd at ilang stakeholders ng summer Games.

Ang lungsod ng Marikina ang dapat na host ng 2020 Palaro na nakatakda sanang idaos sa Mayo.

Nauna rito, mismong si Teodoro ang nagpahayag na mayroon ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Marikina City sa katauhan ng isang 86-anyos na lalaki na nagtungo kamakailan sa South Korea.

New year, new career-high! Alex Eala, umarangkada bilang rank 49 sa WTA

Bago ito, sinuspinde rin ng DepEd ang lahat ng mga nakatakda nilang national at regional events matapos umakyat ang bilang ng kaso ng COVID-19 at kumpirmahin ng Department of Health na mayroon na ring local transmission ng virus sa bansa.

-Marivic Awitan