TUNAY na akma sa ‘big league’ ang Pinay netter na si Alex Eala.

EALA: Isang ganap na tennis star.

EALA: Isang ganap na tennis star.

Naitala ni Eala, junior World No.4, ang kauna-unahang panalo sa singles event bilang isang ganap na professional player nang talunin si Nadia Echeverria Alam sa makapigil-hiningang three-setter sa ITF Women’s Future sa Monastir, Tunisia.

Hindi naging madali para sa 14- anyos World juniors’ No.4 at Globe Ambassador ang kampanya matapos mangailangan na walisin ang sumunod na dalawang set matapos mabigo sa unang sultada laban sa American- Venezuelan rival.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang karibal niyang si Alam ay world rated No.772.

Sunod na makakaharap ni Eala si third seed Nina Stadler ng Switzerland sa second round.

Nitong Enero, nakamit ni Eala ang unang Grandslam title nang magwagi kasama ang kapakner na Priska Nugrohi, sa girls dounbles event ng 2020 Australian Open.

Sa matikas na kampanya sa professional league, mismong si Rafa Nadal ng Rafa Tennis Academy ang nagpahatdd ng pagbati kay Eala