HINDI kilala ng masang Pinoy ng bodybullding, ngunit tulad ng basketball at billiards, malaki ang tsan sang Pinoy na mangibabaw sa naturang sports.
Sa katotohanan, maganda ang reputasyon ng Pinoy sa international stage ng bodybuilding.
Listen to International Federation of Bodybuilding and Fitness Philippines president Rowena Walters.
“This is really an exciting time for bodybuilding in the country. We’re moving forward,” pahayag ni Rowena Walters, pangulo ng International Federation of Bodybuilding, sa kanyang pagbisita sa 58th “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports ( TOPS) nitong Huwebes sa National Press Club sa Intramuros, Manila.
Kumpiyansa si Walters na susuportahan ng Pinoy ang dalawang major bodybuilding events sa bansa – ang IFBB Philippines Nationals sa Palacio de Manila sa July 17-18 at ang IFBB Philippines Grand Prix sa October 9-12.
“Last year, there were about 186 participants in 24 categories in the Nationals. I will be happy if we can get 200 entries this year,” sambit ni Walters, No.5 overall sa Arnold Sports Festival sa Columbus, Ohio noong 2013.
“In fact, sa men’s physique category lang na karamihan mga college students, umaabot na sa 30-50 participants,” ayon kay Walters sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, CBA at HG Guyabano Tea Leaf Drinks.
“Most of our participants are really not after the cash prizes. Sa kanila, iba yun karangalan na matawag kang Mr. Philippines and Ms. Philippines, na kahit wala na sila lagi pa ding maaalala ng mga tao,” aniya.