“ALAM mo, nu’ng ipinanood ko kay Yasmine ‘yung love scenes, tawa siya ng tawa. Tinanong ko nga kung bakit, sabi lang niya, ‘awkward daw mapanood ‘yung asawa mo having love scenes.” Ito ang nakangiting sagot ni Congressman Alfred Vargas sa tanong namin kung nagselos ang asawang si Mrs Yasmine Espiritu-Vargas sa love scenes niya kina Shaina Magdayao at Iza Calzado sa pelikulang Tagpuan.
Sabi namin na secured kasi si wifey kay Alfred dahil ever since naman ay walang na-link na ibang babae sa kanya simula noong nag-asawa na ang kongresista.
Si Alfred ang producer at bida sa Tagpuan na kinunan sa ibang bansa tulad ng Hongkong at New York City, USA at inaming hindi naging madali ito para sa kanya bilang producer dahil nasabay ang shoot sa rally HK.
Nu’ng natapos ang Tagpuan ay napag-usapan nina Alfred at ng production na subukang ipasok sa first Summer Film Festival ng Metro Manila at sinuwerteng makapasok.
“Blessing in disguise kasi ang dami pa naming nagawa in terms of post prod so nu’ng lumabas ‘yung result may gulat factor pa kami.
“As a producer, I was very nervous, very anxious pero nu’ng paglanding na namin ng Hongkong hindi namin na-feel kasi nga nag-coordinate kami roon (Hongkong Tourism). At ang nakakatuwa pala roon, sa Hongkong kahit riot organized, dito lang kayo puwede tapos ito ‘yung street na isasara namin may scheduled. Kaya kami, two weeks before alam na namin kung saan ‘yung may rally. Logistically, umiwas lang kami pero napaganda pa kasi na-feel namin ‘yung vibes,” kuwento ni Alfred.
Sa loob ng limang araw na shooting ng Tagpuan sa Hongkong ay hindi raw sila naapektuhan.
“Dire-diretso ang shoot, iba ‘yung napapanood natin dito (Pilipinas) san a-experience namin,” sambit ng aktor/producer.
Bakit may Hongkong scene, “kasi doon talaga ‘yung kuwento ni Ricky Lee. Tapos doon kami nag-meet ni Shaina, tapos businessman ‘yung role ko. May business ako sa Hongkong at may business ako sa New York, eventually nagka-Tagpuan na kami sa Hongkong at New York,” kuwento ni Alfred.
Sa audience part sino ang dapat manood ng Tagpuan, “actually lahat naman, mga mature at maraming makaka-relate kasi bihira sa love story na hindi teenager, hindi pakilig, hindi loveteam. Kaya ibang-iba ito, diretso ang approach and after ng film, mapapatanong ka, ano ba talaga ang pag-ibig?” say ng aktor.
Seryoso ang karakter ni Alfred bilang si Allan pero mababago ang pananaw niya dahil kina Shaina at Iza.
Sa tanong kung kanino ang mas daring ang intimate scenes sa dalawang aktres.
“Kay Shaina kasi ‘yung attack mas liberating, mayroong freedom. Kay Iza ‘yung pagbabalik sa sarili, ‘yung intimacy. Magkakaiba naman ang intimacy, ‘di ba? Pagbabalik loob sa sarili. Pero question mark kung nagkabalikan. Ganu’n pala kapag may reconciliation love scene, ha, ha, ha,” tumawang sabi ni Alfred.
Iniwan ni Iza si Alfred at pumunta ng New York para mag-settle at nakilala naman ng lalaki si Shaina sa Hongkong.
Mapapanood ang Tagpuan simula Abril 11-21 nationwide bilang entry sa 1st Metro Manila Summer Film Festival mula sa direksyon ni MacArthur Alejandre.
-Reggee Bonoan