ISANG action thriller ang official entry ng Viva Films sa 1st Metro Manila Summer Film Festival which will start on April 11 at magtatapos on April 21.2020. It is another Pinoy adaptation of a South Korean movie of the same title.

Dingdong

Unang ipinasilip ang teaser early this year sa thanksgiving party ng Viva kasabay ng announcement ng vision ng Viva for 2020. We were impressed at parang nilikha kay Dingdong Dantes ang role.

Sumagi sa aming isipan ang mga Die Hard series ni Bruce Willis na non-stop ang action at pigil hininga ang stunts. Ang Korean hit movie ay ipinalabas noong 2014.

Tsika at Intriga

Anne Curtis, naalarma sa kumakalat na larawan ng Sierra Madre

Marami ang humuhulang another potential winner sa takilya ang A Hard Day sa unang pagdaraos ng Manila Summer Film Festival. Sariwa sa isipan ang pagiging top grosser ng Miracle In Cell No.7 sa MMFF, last December a Korean hit movie which starred Aga Muhlach at Bella Padilla.

Among the 8 Entries ay walang ibang action thriller ang makakalaban ng A Hard Day sa takilya.

-REMY UMEREZ