POSIBLENG mapatawan ng banned sa UAAP si Cameroonian cage star papi Sarr bunsod nang pambabastos at tangkang pananakit kay Adamson University sports director at UAAP Board member Fr. Aldrin Suan.
Naganap ang insidente sa loob ng Adamson campus kahapon nang komprontahin ng 6-foot-6 na si Sarr si Suan bunsod ng ipinataw na ‘letter of dismissal’ laban sa kanya.
Kaagad namang humingi ng paumanhin si Sarr sa kanyang Facebook account.
Kinumpronta ng 6-foot-6 na si Sarr si Adamson UAAP board member Fr. Aldrin Suan na nagresulta pagkuwelyo ng una sa pari habang ipinagduduldulan dito ang hawak niyang dismissal letter.
“I would like to apologize to you all for this unfortunate event,” ang sabi ni Sarr sa kanyang post.“Those of you who know me personally know that it was not intentional.”
Dahil dito, ipina blotter si Sarr at sasampahan ng kasong “unjust vexation” at “light threats” ni Fr. Suan.
“I love this school and would not have spent seven years of my life here no matter what happened before. It is never my intention to be disrespectful to the priests, to my team, and to you all,” ayon pa sa post ng Cameroonian.
“Raising my voice due to emotion and throwing the letter that I received this morning was unsportsmanlike [SIC]. Again I’m sorry for the hurt my action has caused everyone.”
Nagdesisyon ang pamunuan ng Adamson na i-dismiss na si Sarr sa dami ng mga ginawa nitong paglabag sa panuntunan ng unibersidad partikular ang hindi pagsunod sa pinaiiral na curfew para sa mga student athletes, hindi pag-ernsayo ng walang maayos na rason at ang madalas na pag uwi ng lasing.
-Marivic Awitan