IGINIIT ni Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra na duplikado lamang sa gawain at responsibilidad ng ahensiya ang panukalang pagtatayo ng Philippine Boxing and Combat Sports Commission.

KASAMA ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ang dalawang boxing legend – dating World Featherweight Champion Luisito Espinosa (kanan) at 1970 WBC World Flyweight champion Erbito Salavarria (kaliwa) sa TOPS ‘Usapang Sports’ kamakailan. Kapwa nabigyan ng tulong pinansiyal ang dalawa, higit si Salavarria na naisama ng GAB sa WBC Trust Fund programa na nagkakahalaga ng US$10,000 (P500,000.00).

KASAMA ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ang dalawang boxing legend – dating World Featherweight Champion Luisito Espinosa (kanan) at 1970 WBC World Flyweight champion Erbito Salavarria (kaliwa) sa TOPS ‘Usapang Sports’ kamakailan. Kapwa nabigyan ng tulong pinansiyal ang dalawa, higit si Salavarria na naisama ng GAB sa WBC Trust Fund programa na nagkakahalaga ng US$10,000 (P500,000.00).

Ayon kay Mitra, natutugunan ng ahensiya ang lahat ng pangangailangan ng Pinoy boxers, gayundin ang iba pang professional athletes na nasa pangangasiwa nito, higit sa aspeto ng seguridad, kalusugan at kabuhayan.

“Hindi po nagpapabaya ang GAB sa responsibilidad na ‘yan. At pinalawig po namin ang mga programa nang kami po ay ma-appoint dito ng Pangulong Duterte,” pahayag ni Mitra matapos ang isinagawang pagdinig sa Senate Bills 191 at 805 ng Senate Committee on Sports na pinamumununa ni Senator Bong Go.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Ang naturang panukalang batas na isinusulong nina Senator Manny Pacquiao at Bong Revilla, ayon sa pagkakasunod, ay naglalayon na alisin sa kapangyarihan ng GAB ang Boxing and Contact Sports Division.

“While we laud the initiative, feeling namin nagagawa na ang mga gustong gawin at mga gusto pang ipagawa sa amin. At maari naman naming gawin basta maalalayan lang po kami ng konti,” pahayag ni Mitra, na kasamang nagbigay ng kanilang opinyon sina Commissioners Ed Trinidad at Mar Masanguid.

Sa pamumuno ni Mitra, nakipagtambalan ang GAB sa Department of Health (DOH) para sa libreng medical at doping examination sa lahat ng mga atleta, gayundin sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa libreng dental examinations.

“Yun pong medical aspect at kasama na dyan ang libreng CT scan, MRI at lahat ng pangangailangan ng ating mga fighters. Sinisuguro po ng GAB na kailangan dumaan ang tamang medical examination ang ating mga atleta bago at pagkataposlumaban. Hindi po kami nagbibigay ng lisensya sa ating mga atleta kung walang medical certificates,” sambit ni Mitra.

Bunsod nito, pinarangalan ang GAB na ‘Commission of the Year’ ng pamosong World Boxing Council (WBC) – pinakamalaking boxing organization sa mundo – noong 2017 WBC Convention sa Mexico.

“Yung pong programa natin ay hinirap pa ng WBC para maging template ng ibang kasaping bansa,” sambit ni Mitra.

Sinabi ni Mitra na ang boxing ay isinama sa GAB sa kapangyarihan ng Executive Order No. 392 noong 1950 matapos buwagin ang Boxing and Wrestling Commission.

“For almost 69 years, GAB has been staying true to its mandate of regulating and supervising professional boxing,” aniya.

Sa maayos na pamumuno ni Mitra, naisama ng GAB ang mga dating Pinoy champion sa nabibigyan ng tulong pinansiyal sa pamamagitan ng WBC Trust Fund.

Umani rin ng suporta ang GAB mula sa lahat ng stakeholders sa boxing at contact sports, kabilang na ang pinakamalaking local association sa bansa sa combat sports na pinamumunuan ni Alvin Aguilar.

Maging ang Department of Budget and Management (DBM) ay nagpahayag na hindi kailangan ang bagong boxing commission dahil sa karagdagang budget na ilalaan dito.

Ang GAB ay may taunang budget na P123 milyon, habang ang Boxing Commission ay may panukalang budget na P150 milyon bukod pa sa dagdag na personnel na sasahuran ng pamahalaan.

-Edwin Rollon