NAKAUSAP ni yours truly si Betong Sumaya sa press visit namin sa Centerstage singing competition of Kapuso Network kamakailan lamang.
Masaya kaming nagka-kuwentuhan at masaya daw siya bilang siya ang napiling co-host ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa Centerstage na isang kids singing competition na umeere sa GMA primetime tuwing Linggo ng gabi pagkatapos ng airing of Daig Kayo Ng Lola Ko.
Eh, nag-e-enjoy ba naman talaga siya?
“Oo, nag-e-enjoy talaga ako. Ako kasi yung kasama ng mga magulang sa sidestage, eh. Ako yung tipong nasa side nila.
“Na tipong yung lungkot…yung saya nila…ramdam ko. Napapasa sa akin, eh. Kasi kami yung sasalubong sa mga batang hindi masyadong pinalad.
“Naaapektuhan ako kapag may mga batang hindi nakapasa sa panlasa ng mga judges. Very genuine kasi yung emotions nila, eh.
“Pag masaya yung mga magulang papalakpak sila. Kapag malungkot talagang umiiyak.
“So ako yung taga-pampalakas loob nila. Pero minsan nadadala rin ako ng kanilang emotions, eh. But sa bandang huli, masaya pa rin na tutukan sila, meaning yung mga bidang kids sa Centerstage.
“Ano na ako ngayon… I am an emotional sidestage host, hahaha! Kasi sa gilid lang talaga ako ng stage. Si Alden yung nasa Center.” ang mahabang sey ng Bentong Sumaya na tulad ng apelido niya ay ramdam mong “sumaya” siya nang maging co-host nga ng Alden Richards sa Centerstage kids singing competition ng GMA Network.
In real life ay isa na ba siyang father or masasabing ama ng tahanan?
“Hindi pa. Pero marami akong mga pamangkin.”
Wait, why Bentong Sumaya is still a bachelor in real life?
“Ano talaga…ahhh, feeling ko, hindi ko mahanap-hanap yung talagang nararapat para sa akin.
“Yung iba naman gusto ko pero ayaw naman nila sa akin. So anong gagawin ko, eh, pag pinilit ko naman …ay, basta darating na lang yon. In God’s time at sa takdang panahon.” Katuwiran niya.
Anong mas pabor sa kanya na girlash or wifey to be, taga-showbiz or non-showbiz?
“Non-showbiz. Feeling ko mas okay yung non-showbiz feeling ko kasi pag taga-showbiz rin na tulad ko parang mas kumplikado, eh. Parang magulo. Kaya mas type ko ang non-showbiz.” Paliwanag niya.
Ahh, okay. Noted.
At feeling naman namin kapag na-meet na niya ang non-showbiz girl na para sa kanya…for sure magiging masaya sa piling nang isang Betong Sumaya dahil tipong masayahing tao itey na swak lang sa kanyang apelyido na “sumaya”.
Yun daw, oh!
-MERCY LEJARDE