NAKABAWI ang No.3 seed Makati-Super Crunch konta No.2 Manila-Frontrow, 75-59, nitong Miyerkoles sa Game 2 ng kanilang semifinal duel sa 2020 Chooks-to-Go MPBL Lakan Cup sa San Andres Sports Complex.

KAPANA-PANABIK ang aksiyon sa pagitan ng San Juan at Pampanga sa MPBL semifinals.

KAPANA-PANABIK ang aksiyon sa pagitan ng San Juan at Pampanga sa MPBL semifinals.

Nalimitahan sa tatlong puntos sa Game One, bumalikwas ang opensa ni Joshua Torralba sa naiskor na 23 puntos, tampok ang limang triples para sandigan ang Makati at maipuwersa ang winner-take-all sa kanilang best-of-three series.

“When they go small, sabi ko sabayan na natin,” pahayag ni Makati coach Beaujing Acot. “Tapos na i-stop na natin si [Chris] Bitoon and si [Carlo] Lastimosa

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Nalimitahan ng Makati ang pambato ng Manila na si Lastimosa, may averaged 23.0 points sa playoffs, sa pitong puntos mula sa mababang 2-of-17 shooting.

Gaganapin ang rubber match bukas sa parehong venue.

Nakaulit naman ang San Juan-Go for Gold laban sa Pampanga-ADG Group, 91- 83, upang tapusin ang kanilang semifinal duel at makausad sa Finals ng North Division.

Hataw si CJ Isit sa krusyal na sandali para pangunahan ang 11-3 run ng San Juan upang mahila ang bentahe sa 86-73 may 3:06 ang nalalabi.

“Yung experience namin last year, dala dala namin yung experience na yun dito lalo yung composure namin heading into the end game,” sambit ni Wilson.

Nanguna si Wilson na may 26 puntos, anim na rebounds, limang assists, at limang steals.

Iskor:

(Unang Laro)

Makati-Super Crunch (75) -- Torralba 23, Baloria 15, Ablaza 10, Apinan 8, Lingganay 6, Sedurifa 6, Villanueva 3, Importante 2, Cruz 2, Atkins 0.

Manila-Frontrow (59) -- Dyke 11, Hayes 11, Dionisio 9, Bitoon 8, Lastimosa 7, Matias 6, Abrigo 5, Arellano 2, Tallo 0, Go 0, Lee 0.

Quarterscores: 19-8, 37-21, 47-41, 75-59.

(Ikalawang Laro)

San Juan-Go for Gold (91) -- Wilson 26, Clarito 14, Ayonayon 13, Isit 13, Estrella 8, Tajonera 5, Gabawan 4, Wamar 3, Aquino 3, Buñag 2, Rodriquez 0, Reyes 0

Pampanga-ADG Group (83) -- Maiquez 18, Hernandez 17, Cervantes 14, Muyang 10, Apreku 7, Cruz 6, Thompson 4, Alberto 4, Gomez 2, Fabian 1, Concepcion 0, Juico 0

Quarterscores: 26-25, 48-50, 69-64, 91-83