HUMARAP pamunuan ng Philippine Sports Commission (PSC) nitong Miyerkoles sa mga Senador at Kongresista sa ginanap na pagdinig ukol sa mahalagang panukalang batas hinggil sa sports.

NAGBIGAY ng kanilang opinyon hingil sa nakabinbin na panukalang batas sa sports sina Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez (gitna) at commissioner Charles Maxey, gayundin si GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra (kaliwa) sa pagdinig sa Senado.

NAGBIGAY ng kanilang opinyon hingil sa nakabinbin na panukalang batas sa sports sina Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez (gitna) at commissioner Charles Maxey, gayundin si GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra (kaliwa) sa pagdinig sa Senado.

Pinangunahan ni Senate Committee on Sports Chairman Senador Bong Go ang nasabing pagdinig sa pagbuo ng kumisyon para sa Philippine Boxing at Combat Sports.

Ang naturang panukala ay nagmula kina Senador Manny Pacquiao at Bong Revilla sa pamamgitan ng Senate Bills 193 at 805.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Dumalo sa naturang pagdinig Sina PSC Chairman William Ramirez, PSC Commissioner Charles Maxey, gayundin si Games and Amusement Board (GAB) Chairman Baham Mitra.

Sina Ramirez at Mitra ay kabilang sa mga nagbigay ng kanilang opinyon, kasama ang iba’t ibang kinatawan NG mga pribadong sektor at ahensiya ng gobyerno gaya ng Department of Budget and Management, Social Security System, PhilHealth, PAGIBIG Fund, Department of Health, Governance Commission for GOCCs. Elorde Promotions at kinatawan ng Muaythai associations.

Nagpahayag si Ramirez ng ilang panukala upang matugunan Ang ilang mga bahay tungkol sa sports katylad na lamang ng travel tax exemptions at usaping medical.

“This is good that we are here and discussing this because we can see how we call all work together,” ayon kay Ramirez.

Ipagpapatuloy naman ang pagdinig hinggil sa panukalang batas ukol sa sports at bibigyang pag-aaral ang pagsasagawa sa nasabing batas.

Sa Kongreso, humarap si PSC Sr. Executive Assistant at National Training Director Marc Velasco, para sa House Bill 4594, kasama si Leyte 4th District Representative Lucy Torres-Gomez bilang tagasuporta.

Ang nasabing batas ay nagsasaad na magtatag ng komprehensibong national grassroots sports development program sa Philippine National Games, upang mas lalo pang mapalawig ang kasalukuyang batas ng PNG (Executive Order #163, 1994) at pairalin ito upang nakakuha pa ng mas madaming bilang ng mga potensyal na atleta sa hinaharap.

“Change is not always easy, but as public servants let us put in extra effort to study well and weigh effects and consequences of everything. Be an agent of change for as long as you also make every effort to ensure that those changes are for the better,” pahayag ni Ramirez.

Nakipagpulong din ang PSC chief kina Senate President Vicente Sotto III at Kay Minority Leader Senator Franklin.

-Annie Abad