ANGpangunahing kuwento na lumabas sa House of Representatives sa linggong ito ay tungkol sa patuloy na girian sa liderato ng Kamara, na may dalawang lider ng Kongreso na nawalan ng kanilang mga pangunahing posisyon – sina Davao City Rep. Isidro Ungab bilang chairman ng Committee on Appropriations at Orienal Mindoro Rep. Salvador Leachon bilang chairman ng House Electoral Tribunal. Ang hindi inaasahang mga pagbabago sa Kamara ay dumating kasabay ng mga pahayag ni Speaker Alan Peter Cayetano ng Nacionalista Party na mayroong hakbang upang patalsikin siya. “If you are going to continue your intrigue,” aniya, “better quit your positions and come back when Rep. Velasco becomes speaker.”
Si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, pinuno ng PDP-Laban sa Kamara, ay dapat na uup bilang speaker at maglilingkod sa loob ng 21 buwan makalipas ang 15 buwan ng pamumuno ni Cayetano, sa ilalim ng isang kasunduan na ipinayo ni Pangulong Duterte nang ang bagong nahalal na mga miyembro ng Kamara ng ika-18 Kongreso ay hindi makapagpasiya sa kanilang sarili.
Ilang buwan pa bago ang pagtatapos ng 15 buwang termino ni Cayetano ngunit ang mga akusasyon at kontra-akusasyon ng diumano’y mga alok ng mga pangunahing posisyon sa House kapalit ng suporta ay lumutang. Itinanggi Congressman Velasco ang anumang nasabing plano para sa speakership.
Bigla nitong Lunes bumoto ang House na patalsikin ang dalawang pangunahing kaalyado ni Velascos – si Congressman Ungab mula sa pamumuno niya sa napakahalagang Committee on Appropriations at si Congressman Leachon mula sa pamumuno niya sa Electoral Tribunal.
Kaagad na kinondena ng Hugpong ng Pagbabago, regional party ng anak na baba ni Pangulong Duterte na si Davao City Mayor Sarah Duterte Carpio, ang pagpapatalsik kay Ungab bilang “grossly unacceptable” dahil ito ay kawalan sa reform agenda ng Duterte administration. Asahan na natin ang mga buwelta sa mga susunod na araw.
Tunay na nakakalungkot na ang panloob na problema ng House ang pumipigil dito na ituon ang mga pagsisikap sa napakaraming nakabinbin na mahahalagang panukalang batas. Mayroong daan-daang ng mga ito, lahat ay idinisenyo upang matugunan ang mga problema na kinakaharap ng bansa ngayon.
Mayroong mga panukalang batas upang lumikha ng mga bagong departamento upang tugunan mga kagyat na pangangailangan na dumating sa buhay ng bansa, kabilang sa mga ito ang Department of Overseas Filipino Workers and Foreign Employment, Department of Fisheries and Aquatic Resources, Department of Disaster Resilience. Mayroong mga panukalang batas na nagpapatibay sa healthcare system, pagdaragdag ng mga benepisyo ng mga opisyal ng barangay, pag-iingat at pagprotekta sa mga pampublikong kagubatan, isang plano para national economic decentralization, atbp. Ang isang kagyat na bagay na ang Kamara lamang ang maaaring gumawa -- ang prangkisa ng ABS-CBNna magtatapos sa Mayo - ay hindi pa naka-iskedyul.
Ang mga namumuno sa politika ay natural na nababahala sa mga isyu sa liderato sa House of Representatives. Tunay na mahalaga ito. Ngunit dapat silang kumilos nang mabilis at matatag sa mga isyung ito at mapagpasyahan marahil sa ilang tulong mula sa mga pangunahing kaalyado ng administrasyon. At magpatuloy sa kritikal na trabaho ng paggawa ng mga panukalang batas, tulad ng mga nabanggit sa itaas.