KASUNOD ng ginawa nilang pagkansela at pagpapaliban ng mga nauna na nilang mga events, inanunsiyo rin ng International Basketball Federation (FIBA)ang postponement ng FIBA 3x3 Olympic Qualification Tournament dahil sa banta ng coronavirus (COVID-19).

Ang FIBA 3x3 OQT ay nakatakda sanang gawin sa Marso 18 - 22 sa Bengaluru, India.

Sa inilabas na statement ng basketball world governing, kinakailangang maidaos ang torneo bago ang Universality Olympic Qualifier Tournament na gaganapin sa Abril 24 - 26 sa Budapest, Hungary.

Sa kabila ng nangyaring pagpapaliban ng torneo, itutuloy naman ng Philippine 3x3 team na binubuo nina Joshua Munzon, Alvin Pasaol, CJ Perez at Mo Tautuaa ang araw araw nilang pagsasanay ayon sa kanilang Serbian coach na si Stefan Stojacic.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Nais nilang gamitin ang napahabang panahon ng paghihintay upang mas pag ibayuhin ang kanilang preparasyon.

Bukod sa 3x3 OQT, ini- reschedule din ng FIBA ang FIBA 3x3 Asia Cup (May 13-17 hanggang Setyembre 9-13) at Under 17 Asia Cup (Hunyo 4-7 hanggang Oktubre 8-11).

-Marivic Awitan