Binigyang-diin ng Department of Interior and Local Government (DILG) nitong Miyerkules na ang pagdami ng tawag sa Philippine Emergency 911 hotline mula 1.46 milyon noong 2016 sa 18.4 2019 ay isang patotoo sa kamalayan ng publiko sa kung sino ang hihingan ng tulong sa mga kritikal o masamang sitwasyon.

Nagagalak si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año sa pagsulong na ito at hinikayat ang publiko na hindi batid ang programang ito na pakinabangan ang serbisyo sa mga oras ng kagipitan.

Bilang suporta sa layunin ni Pangulong Duterte na magbigay ng pinakamabuting serbisyo, sinabi ni Año na ang DILGay gumawa ng matatapang na hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at masawata ang krimen.

“We are happy that more and more people across the country have recognized the importance of calling E911 in times of distress and emergencies,” sinabi ni Año.

“Growing by about 17-million calls in just three years is so enormous. However, it also comes with a greater challenge for us to raise the bar even higher in providing faster and better response to calls coursed through the E911 hotline,” dagdag niya.

Ang E911 hotline ay isang community-based security at development program na nagbibigay ng mabilis na pagtugon at emergency assistance sa mga taong nangangailangan.

Mula sa Patrol 117, ang programa ay lumago at naging E911 noong 2016 sa pamamagitan ng isang memorandum at naitatag noong 2018 sa pamamagitan ng Executive Order No. 56 na nilagdaan ni Pres. Rodrigo Roa Duterte.

Ang emergency calls na dumaan sa E911 ay kinabibilangan ng mga nangangailangan ng police assistance, ulat ng sunog, medical assistance, search and rescue, at maging ang mga may kaugnayan sa chemical, biological, radiological, nuclear, at explosive (CBRNE) materials.

Sinabi ni Año na ang mga lehitimong tawag sa emergency ay ipapasa sa pinakamalapit na Primary Service Responders at Major Support Service Responders, na kaagad namang kikilos sa pakikipagkoordinasyon sa National Call Center.

Pinaalalahanan ni Año ang calling public na maging disiplinado sa pag-dial sa 911 hotline, na para lamang sa lehitimong emergency at pampublikong kaligtasan.

Sa kabuuang 18.483-M 911 hotline calls na natanggap noong nakaraang taon, 37,440 ang mga lehitimong tawag; 16,763 ang non-emergency; 9.716-M ang incomplete calls, at 2.54-M ang fraudulent, hoax, or prank calls.

Nagpahayag siya ng pagkadismaya na ang isa sa bawat dalawang tawag na natanggap ay hindi kumpleto na mga tawag, inabandona, naputol, ibinaba o garbled (robotic).

“We are urging the calling public to practice discipline in making 911 calls,” nabanggit niya.

Sinabi ng DILGchief na “for every prank or incomplete call that you make, there could be other people out there whose lives may be in danger or who need emergency assistance but could not go through because the lines are busy”.

-Chito Chavez