VIGAN – Weather-weather lang ika nga!

OCONER: Unang titulo sa LBC Ronda

OCONER: Unang titulo sa LBC Ronda

Ngunit, sa determinado at masigasig na si George Oconer, tunayna panahon na para mailuklok sa pedestal bilang LBC Ronda Pilipinas champion.

Imbes na makipaghatawan, petiks na lamang ang pedal ng 28-anyos na si Oconer at kontentong nakipagsabayan sa peloton sa finish line ng final Stage 10 Criterium nitong Huwebes sa pagtatapos ng ika-10 anibersaryo ng pamosong cycling marathon sa bansa.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Nanguna ang kasangga niyang si Jan Paul Morales sa ‘mass finish’ na kinabibilangan ni Oconer sa tyempong 51 minuto at 20 segundo.

Kaagad niyang itinaas ang mga kamay sa pagtawid sa finish line hudyat nang pagtatapos ng 10stage race, gayundin ng paghihintay na mapabilang sa talaan ng mga kampeon sa preyadong cycling tournament sa bansa na inorganisa ng LBC sa pakikipagtulungan ng Manny V. Pangilinan Sports Foundation.

“Unang sabak ko sa Ronda noong 2011. Masayang-masaya ako ang natupa dna rin ang pangarap kong maging kampeon,” pahayag ni Oconer, dalawang ulit na naging runner-up dito.

Matapos ang 10 stages, tangan ni Oconer ang kabuuang oras na 32:42:12. Nakamit niya ang titulo at ang P1 milyong premyo.

Doble ang selebrasyon sa panalo ni Oconer matapos makopo ang Standard Insurance-Navy ang team classification title nang mapanatilng mga kasangga -- Ronald Oranza, Ronald Lomotos, John Mark Camingao, Junrey Navarra at El Joshua Carino— ang posisyon sa top 10 sa likod ni Oconer.

Kasama rin sa top 10 ng individual race sina Go for Gold’s Jonel Carcueva, Daniel Ven Carino at Ismael Grospe, Jr., at Marvin Tapic ng Bicycology Shop- Army.

Nagpahayag naman ng kasiyahan si Bicycology Shop-Army team manager Eric Buhain sa naging kampanya ng Armymen.

“We’re proud of our Armymen. Binigay nila ang lahat ng makakaya nila. Next year babawi ang aming next generation of Army riders. Sina Marvin at Jester contender na ang mga yan.” Pahayag ni Buhain.

Tumapos ang Bicycology Shop- Army na no.3 sa team overall, habang si Mark Bordeos ay Stage 1 winner at dalawang beses na naging jersey lider.

Sa kabuuan, limang stages angnaipanalo ng Navymen, kabilang ang tatlo mula kay Morales, two-time winner at nagwagi sa CCN Sprint plum, habang si Navarra ang nag-uwi ng Versa King of the Mountain sa karera ng suportado rin ng Palayan, Nueva Ecija, Versa, 8A Performance, Print2Go, Petron, Green Planet, Bike Xtreme, Standard Insurance, Spyder, CCN, Lightwater, Prolite, Guerciotti, Black Mamba, Boy Kanin, Vitamin Boost, NLEX-SCTEX, Maynilad, 3Q Sports Event Management Inc., LBC Foundation at PhilCycling.