SINIMULAN ng reigning men’s titlist National University ang kanilang 3-peat campaign sa UAAP Season 82 Volleyball Tournament sa pamamagitan ng panalo matapos igupo ang University of Santo Tomas, 27-25, 23-25, 25-19, 27-25, kahapon sa MOA Arena.
Ito ang unang pagsabak ng Bulldogs na wala sina Season 81 MVP Bryan Bagunas at ang reliable trio nina Francis Saura, Madz Gampong at Kim Malabunga.
Bumawi mula sa second set na pag collapse at nabawi ang kontrol ng laro sa fourth set upang makamit ang panalo.
Dahil sa kanilang net defense at unforced errors ng Tigers, nakatabla ang Bulldogs sa 16-all bago nakuha ang 20-16 na kalamangan.
Mula doon tumabla pa ang UST sa pangunguna nina Wewe Medina at Jau Umandal.
Naging dikdikan ang laban hanggang sa mablangka ni Berhashidin Daymil si Genesis Redido para makuha ang match point para sa NU at selyuhan ni Nico Almendras ang panalo sa pamamagitan ng isang service ace.
Sa women’s side, nagwagi ang Far Eastern University laban sa University of the East, 25-9, 25-20, 25-17.
“Thankful ako sa mga players ko kasi ang instructions ko sa kanila na umpisahan ng maganda, tatapusin natin ng maganda kasi ito ‘yung first game nila eh,” pahayag ni FEU head coach George Pascua.
“Kumbaga ito ‘yung magga-gauge namin ‘yung preparation na ginawa namin at kung gaano ka-effective.”
Nanguna si team captain Gel Gayuna sa naiskor na siyam na puntos.
Double performance of 20 points and 14 excellent receptions. Former UE stalwart Ed Camposano opened up his one-and-done year with NU on a high, scoring 19 markers with four coming from blocks.
Kinumpleto naman ng NU Lady Bulldogs ang twin kill kontra UST nang ungusan nila ang nakaraang taong runner-up Tigresses sa isang dikdikang 5 sets, 22-25, 25-23 20-25 25-20, 15-13.
-Marivic Awitan