TAMPOK ang isyu sa bodybuilding at karate sa gaganaping 58th “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ngayon sa National Press Club (NPC) sa Intramuros, Manila.

Magbibigay ng kanilang panawagan si International Federation of Bodybuilding and Fitness Philippines president Rowena Walters para sa dalawang major bodybuilding events – ang IFBB Philippines Nationals sa July 17-18 at IFBB Philippines Grand Prix sa October 9-12 – na gaganapin sa bansa.

Ang ulti-titled international female bodybuilder na si Walters ay nangunguna rin sa kampanya na mapataas ang kalidad ng sports sa bansa.

Si Walters din ang pangulo ng Philippine Committee of Fitness and Bodybuilding (PCBF).

19-anyos na Pinay tennis player, umariba sa Miami Open; pinataob world's no. 2

Kasama niyang bisita sa lingguhang sports forum ganap na 10 ng umaga sina Philippine Karatedo League (PKL) officials Sensei Allan Gonzales (President), Engr. Ecel Bono-Aquino ( VP for Administration) at Sensei Resty Fillarca, Jr. (VP for Technical Affairs).

Ang ‘Usapang Sports’ ng TOPS ay mapapanod din ng live sa Facebook sa pamamagitan ng Gliters Liverstreaming at itinataguyod ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks.