ANG paboritong laro ng mga Pilipino na basketball ay Nagmarka na Rin sa Ilang oanig ng daigdig sa galing ng mga Pinoy hoopsters, kung kaya naman hindi maaring mawala sa listahan ng pararangalan ng nalalapit na SMC- Philippine Sportswriters Association (PSA) Annual Awards Night ngayong Marso 6 sa Centennial Hall ng Manila Hotel ang mga miyembro ng 3x3 basketball.
Ang koponan na nakakuha na ng ticket para sa qualifying round ng 2020 Tokyo Olympics ay pangungunahan ng dynamic duo nina Alvin Pasaol at Joshua Munzon, na tatanggap ng parangal na 2019 Chooks-To-Go Fan Favorite ngayong Biyernes ng gabi.
Buhat sa kanilang number 59 ranking sa simula ng 2019, nagawang iaakyat ng koponan sa top 20 ang kanilang ranking bago magtapos Ang taon na siyang nagbigay ng ticket para sa Olympic Qualifying Tournament na Nakatakda ngayong Marso 18 hanggang 22 sa Bengaluru, India.
Kasama sa listahan si Santi Santillan atiba pang mga dekalidad na mga batang basketbolista ang makikipagpalitan sa laro kasama sina Munzon at Pasaol.
Ang.mga unang awardees ng nasabing Mr. Fan Favorite ‘Manok ng Bayan’ na ihahatid ng Chooks To Go sa pangunguna ng Bounty Agro Ventures Inc. ni Ronald Mascarinas, ay sina three-time PBA scoring champion Terrence Romeo at ang malapit nang maging NBA player na si Kai Sotto.
Isa lamang ang PH 3x3 men’s team sa kabuuang 200 atleta at mga personalidad sa sports ang kumumpleto sa listahan ng pararangalan ng PSA.
-Annie Abad