ILANG gabi na lamang at muli na namang nagbigay ng parangal ang grupo ng Philippine Sportswriters Association (PSA) sa mga personalidad sa larangan ng palakasan na nagbigay ng karangalan sa bansa.

Isa tampok na mga parangal para sa gaganaping SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night na gaganapin sa Centennial Hall ng Manila Hotel ngayong Marso 6 ay ang MILO Junior Athletes of the Year.

Ang pambato ng gymnastics na si Daniela dela Pisa na nagwagi ng gold medal sa nakaraang 30th Southeast Asia Games (SEAG) ay isa sa mga tatanggap ng nasabing parangal.

Kasama ni dela Pisa na tatanggap ng nasabing award na inorganisa ng PSA sa pamumuno ni Tito S. Talao na sports editor ng Manila Bulletin ay sina Alex Eala ng tennis, Ang future grandmaster na si Daniel Quizon, at ang ace swimmer na si Miguel Barreto bilang mga MILO Junior Athletes of the Year.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

Ang 16-anyos na si Dela Pisa, na siya ring teammate ng world champion na si Carlos Yulo ay nagkamit ng gintong medalya sa women’s rhythmic gymnastics ng nakaraang biennial meet.

Nagmarka Ang nasabing panalo ni Dela Pisa gayung ito lamang ang ranging ginto na napanalunan ng mga Pinoy sa gymnastics bukod sa dalawang ginto na nakuha ni Yulo.

Naging madamdamin ang kuwento ng nasabing Cebuana nang malampasan niya ang pagsubok sa kanyang kalusugan matapos ito magkaroon ng ovarian cancer noong siya ay apat na taon pa lamang.

Buong suporta ng kanyang pamilya at ang chemotherapy ang muling nagpalakas sa batang si Dela Pisa Kung saan mismong Ang kanyang ina na dati ring gymnast Ang tumulong sa kanya upang maging matagumpay na atleta ngayon.

Bukod sa gintong medalya nagwagi din ng dalawang bronze si Dela Pisa sa rhythmic ball at clubs event.

Sina Eala, Quizon, at Barreto ay may ambag din ng kani-kanilang galing sa kanilang mga larangan sa sports.

Ang 14-anyos na si Eala, ay tatanggap din ng Tony Siddayao Awards bukod sa nasabing parangal dahil sa kanyang naging mrkafong performance sa US Open.

Si Quizon, naman sa kanyang parte ay nakuha ng International Master title sa edad na14, sa at nakuha ng ringing medalya sa U16 standard competition ng Eastern Asia Youth Chess Championships na ginanap sa Bangkok.

Siya Rin Ang may pinakamagandang rekord sa mga Filipino sa blitz side event ng Asian Continental Chess Championship na ginanap sa China kung saan pinataob niya ang tatlong Grandmasters na sina Wan Yunquo at Liu Yan ng China, at si Venkataraman Karthik ng India.

Si Barreto naman ay kinilalang most bemedalled athlete sa 2019 Palarong Pambansa matapos na mag-uwi ng kabuuaang outing gintong medalya at pangunahan ang koponan ngNational Capital Region sa swimming event.

Binasag ng 16-anyosna pambato ng pride of Malolos, Bulacan ang rekord sa boys’ 200-meter freestyle at 100-meter butterfly.

Napabilang din si Barreto sa koponan ng Philippine swimming na sumabak sa nakaraang SEA Games, sa men’s 400-meter freestyle.

Samantala Ang Team Philippines naman Ang tatanggap ng Athletes of the Year Award sa naturang Gabi ng Parangal na suportado ng Philippine Sports Commission, MILO, Cignal TV, Philippine Basketball Association, AirAsia, at Rain or Shine.

-Annie Abad