VIGAN, Ilocos Sur— Nakuha ni Kenneth Solis ng Team Tarlac ang unang lap victory, habang petiks na lamang si George Oconer at ang Standard Insurance-Navy team sa penultimate Stage 9 ng LBC Ronda kahapon dito.
Ginapi ni Solis, 26, sina Christopher Garado ng South Luzon-Batangas at Mar Sudario of Bike Xtreme para angkinin ang 170.6km Stage Nine.
Kasama rin nila sa lead pack sina Bryant Sepnio ng Celeste Cycles, Mervin Corpuz ng 7Eleven Cliqq- Air21 by Roadbike Philippines at two-time champion Santy Barnacheang Scratch sa tyempong apat na oras, 15 minuto at 27 segundo.
Ito ang ikalawang lap victory ng Team T a r l a c m a t a p o s manguna si Ryan Tugawin sa Stage 2 ng karera na inorganisa ng LBC at itinataguyod ng Manny V. Pangilinan Sports.