NEGATIVE ang dating sa tao sa nalamang humingi ng P1.5M ang security ni Sarah Geronimo na si Jerry Tamara para hindi na siya magdemanda sa diumano’y panununtok ni Jerry sa kanya ni Matteo sa leeg.

Sarah at Matteo

Sinamahan ni Raffy Tulfo si Jerry na nakipag-usap kay Mr. Vic del Rosario sa Viva office, nag-one-on-one ang dalawa. Ang sabi ni Boss Vic, nag-counter offer siya na magbibigay ng P100,000 na tinanggihan ni Jerry.

Gusto ni boss Vic na maayos na ang kaso ni Jerry kay Matteo dahil si Sarah ang naapektuhan. Hindi pa nga raw naayos sina Sarah at inang si Mommy Divine, dumadagdag pa siya.

Tsika at Intriga

Gretchen Ho, may hirit tungkol sa pagiging 'bias'

Nang tanungin ni Raffy kung totoong humingi siya ng ganoon kalaking halaga, ang sagot ni Jerry, kailangan niya ng panibagong panimula.

Sa muling pag-uusap nina Raffy at Jerry, pinaalalahanan ng una ang huli na hindi nagpapagamit ang Raffy Tulfo in Action sa aregluhan ng pera. Sabi ni Jerry, pag-iisipan muna niya ang lahat at pumayag na wala ng perang kapalit basta humarap lang sina Matteo at Sarah sa kanya. Ang request pa ni Jerry, makipagkamay at mag-sorry sa kanya si Matteo na mapapanood sa TV5. Malabo itong mangyari dahil sa ABS-CBN lumalabas ang mag-asawa.

Ang nakakaloka, inamin ni Jerry na sinabihan siya ni Mommy Divine na ‘wag makipag-ayos kay Matteo at idaan sa proseso. Sabay tanggi na nadidiktahan siya ng nanay ni Sarah.

Patuloy si Raffy, nang kontakin niya si Jerry noong February 28, umiwas na ito sa kanya. Nang mag-text sa kanya si Jerry, sinabi nitong nagkaayos na sila ng Viva at nalaman ni Raffy kay Jay Montelibano ng Viva Communications na pumayag magpaareglo si Jerry kapalit ng P200,000.

Nag-text si Jerry kay Raffy na nagpasalamat sa tulong nito sa kanya. Kaya kinu-consider ni Raffy na case closed na ang kasong ito. Naku, ano kaya ang masasabi dito ni Mommy Divine?

Tanong ng netizens, bakit laging naka-face mask si Jerry tuwing humaharap kay Raffy? Naka-face mask din ito nang humarap kay Boss Vic. Ang dami niyang face mask, hindi siya nauubusan.

-Nitz Miralles