MULING nanaig ang Palayan City Capitals sa pahirapang 79-74 panalo kontra defending champion San Juan Knights para makalapit sa minimithing kampeonato nitong weekend sa Community Basketball Association (CBA) Pilipinas Executive Cup sa San Juan gym.
Umiskor si Renz Alcoriza ng game-high19 puntos mula sa matikas na 7-of- 11 shooting para sandigan ang Capitals sa matikas na simnula sa kanilang best-of-three title showdown s a c o m m u n i t y - based tournament n a i n o r g a n i s a n i CBA founder Carlo Maceda.
Muntik na kay Levi Dela Cruz ang triple double sa naiskor na 10 puntos, walong rebounds at walong assists.
K a b i l a n g s i n a Palayan City Mayor Adrienne Cuevas, team owner Ryan Cuevas at manager Ryan Ripalda sa nagbunyi sa panalo ng koponan.
Nag-ambag sina Gab Reyes, Marvin Maroga at Denniel Aguirre ng tig-10 puntos para sa Palayan City, ginagabayan ni veteran coach Alvin Grey.
Kumana si Noah Lugo ng 18 puntos, tatlong assists at dalawang rebounds, habang kumubra si Ato Ular ng 16 puntos at 16 rebounds para kay coach Randy Alcantara-mentored Knights.
Tatangkain ng P a l a y a n C i t y n a makamit ang titulo sa pagsabog ng karo sa Linggo, March 8 s a G a p a n C i t y gymnasium.
“ H o m e c o u r t naman namin sa susunod na game kaya pipilitin namin makuha na ang titulo. Kailangan lang tapatan namin yun physical game nila, lalo na sa shaded area,” pahayag ni Grey.
“Magandang laban ito sa Gapan,” aniya na head coach ng Trinity University of Asia.