MAY pauna nang paglilinaw si Maggie Wilson sa post niya ng kanyang nude photo sa Instagram (IG) na “P.S. This shot was Vic’s idea! Lol!”
Ang tinutukoy ni Maggie na si Vic ay ang asawa niyang si Victor Consunji at kung ganyang may go signal ng asawa, bakit nga naman hindi ipo-post ni Maggie ang kanyang nude photo. Ang ganda nga nang pagkakuha ng picture dahil kahit hubo’t hubad ang former actress/beauty queen, wala pa ring nakitang maselang parte ng kanyang katawan.
Sigurado ang mga nag-comment na ang asawang si Victor Conjunsi rin ang photographer sa nude photo ni Maggie dahil hindi ito papayag na ibang tao ang kukuha ng litrato ng asawa.
A few days ago, nag-post si Heart Evangelista ng photo niya na backless siya at nasisilip ang side ng right boobs. Puwes, may tumalo na sa kanya at si Maggie ‘yun na hubo’t hubad, pero hindi nakita ang maselang parte ng katawan.
-Nitz Miralles