TWENTIETH birthday ni Bianca Umali last March 2 at isa ang rumoured boyfriend niyang si Ruru Madrid sa bumati sa kanya. For the first time nga, nag-post si Ruru ng photo nilang dalawa ni Bianca at may caption na “Happy birthday moonlight” na sinagot ni Bianca ng heart emoji.

Bianca

Sa kanyang Instagram (IG), nag-post si Bianca ng photo niya in her two-piece swimsuit na nakatalikod at nilagyan ng caption na “Grateful. Joyful. Peaceful. My heart is full...”

Hindi nga lang maka-greet ng happy birthday ang fans ni Bianca dahil matagal nang naka-set sa “comments on this post have been limited” ang kanyang IG. Mga kaibigan lang ni Bianca ang nakakapag-comment sa IG niya.

Ogie, tinalakan bashers sa uniporme ni Awra: 'Sa inyo ba kinuha pambili?'

Anyway, at 20 years old, ready na si Bianca sa more mature role, gaya nang role na gagampananan niya sa bagong primetime series ng GMA-7 na Legal Wives. Isa siya sa gaganap na asawa ni Dennis Trillo, ang karakter niya ang pinakabata sa three wives ng karakter ni Dennis.

Samantala, sa isang post, sinabi ni Bianca ang rason kung bakit nagpo-post siya ng bikini photos niya sa social media.

“Posting the photos that I have posted that are sexy to the eyes of other people, I am very thankful for both the compliments and the bashing. But again, being sexy is not my intention. I post photos I want to post on my account because of the

memories, because of the feelings that I have at the moment.”

Patuloy ni Bianca, “There’s no intent of being someone who is more mature, who is older. No intent of changing the image, I have none of that. I post photos that I want to post because I just want to not for other people’s eyes.”

Ayan, malinaw ang sinabi ni Bianca, hindi siya nagpapalit ng image at hindi siya nagpo-post ng bikini pictures niya dahil gusto niya at hindi para sa ibang tao.

Also, sabay ng birthday ni Bianca ang labas ng kanyang first single na Kahit Kailan . Available na for streaming worldwide ang single ni Bianca.

-NITZ MIRALLES