KALIWA’T KANAN ang projects ni Ricky Davao bukod sa pag-arte ay magdidirek siya ng teleserye sa GMA 7 pero nagawa pa rin niyang tanggapin ang indie film na Parole na entry sa 2020 Cinemalaya Film Festival na ididirek ni Brilliant Juan at sinulat ni Lora Celdran.

Ricky

Katwiran ng aktor, “E maganda, saka kung talagang gusto mo, magagawan ng paraan you can walk around the schedules napag-uusapan naman. Fixed naman ‘yung schedule ko sa teleserye so in between malaking sacrifice rin siguro, bawas ang tulog ganu’n and more focus kasi dalawa na ang trabaho ko although dati naman ginagawa ko na ‘yan, lagar-lagari (pero) ngayon kasi iba na, kasi siyempre age is also catching up then iba na ‘yung traffic, iba na ‘yung mga pangyayari but if you love what you’re doing, pagdating mo sa set okay ka na, masaya ka na because you’re working with people you love, you like and you respect.”

Natanong din namin ang premyadong aktor na karamihan sa proyekto niya ay indie films na mas gusto niya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“O naman, o baka ang indie mahilig sa akin, ha, ha, ha, “tumawang sabi ng aktor.

Sabi pa, “baka kasi I’m available aside from affordable at ‘yung mga aktor na bida sa kuwento ay katulad ng mga tulad namin,” paliwanag ni Ricky.

At ang maganda sa mga karakter na nagampanan na ni Ricky ay hindi pa pala niya nagawa sa rami ng naging pelikula niya.

“Yes, kaya nga nae-excite ako kasi sa age ko, meron pa palang ganito, hindi naman ako in denial pero feeling ko, ang bata-bata ko pa to be Mang Jose (nabigyan ng parole) pero siguro it’s the actor’s range, age range. So even I’m this old now, I can be 60 or 70 years old.

Inamin din ni direk Ricky na kahit matagal na siya sa industriya ay okay sa kanyang ma-idirek ng mga baguhang direktor tulad ni direk Brilliant na unang Cinemalaya entry niya ang Parole kaya tuwang-tuwa.

“I’m very open with that. Nu’ng nag-start ang Cinemalaya nagkaroon ng buhay lahat hindi lang ‘yung mga baguhang artista, hindi lang baguhang writers at even the veterans (actors) kasi nagkakaroon sila ng bagong roles.

“Tapos ‘yung sa role baka nagawa na naila dati, pero iba ang pananay ng baguhang direktor, baguhang writer so iba ang perspective, ibang pov (point of view) and that something new and that’s exciting for us,” paliwanag ni Ricky.

May collaboration din sa pagitan ng baguhang direktor at artista at bilang direktor na rin si Ricky ay open din siya lalo’t tama naman ang ginagawa ng artista niya at iyon din ang gusto niyang eksena ay okay sa kanya.

“Pero may ibang aktor na iba mag-isip, lihis pero sa ending pareho rin ng pupuntahan,”sabi pa.

At dahil baguhan si direk Brilliant ay nabanggit naming marami siyang matutunan kay direk Ricky.

Natawa ang aktor, “naku, filmmaking naman is again a cliché, collaborative naman effort. Of course this is a directors’ medium siya talaga ang nagdadala pero siyempre writer siya, may assistant director, DOP (director of photography) is a very important role, production design tapos ‘yung actor’s kaya may collaboration.

“Kaya nga Oscars (awards) ‘di ba ang pinasasalamatan nila ‘yung team nila kasi hindi naman niya magagawang mag-isa ‘yun.

At nalaman namin na isa sa pangarap niya ay makapag direk ng pelikula na isasali sa Cinemalaya.

“I’m directing now a teleserye for GMA 7, The Sin of Love hopefully by March lalabas na. At ang dream ko rin sana makapag Cinemalaya ako as director, naghahanap ako ng magandang material or sana maski sa ibang festival (makapag direk) or my own. Kasi kapag nanonood ako, naiinggit na rin ako sa kanila.

“Iba rin kasi ang fulfillment kapag nakapag direk ka ng pelikula while sa teleserye, may fulfillment din kapag maganda ‘yun and working with good people tapos maganda ‘yung outcome tapos nagri-rate pa o di ba ang sarap. Pero iba rin ‘yung may film kang nagawa,”paliwanag ng direktor

Pang-walong pelikula na ni Ricky sa Cinemalaya ang Parole, “oo marami na, the very first two or three years of Cinemalaya nakakaisa or dalawa (entries) ako, misang guest lang, minsan supporting actor then after that dumadalang kasi busy din ako sa teleserye pero nakakagawa pa rin ako kaya naman nu’ng last year when I won for Fuccbois, sabi ko after 15 years. Nakapag jury na rin ako sa Cinemalaya several years ago.”

At kahit matagal na sa larangan ng pelikula at teleserye si direk Ricky ay marami pa rin siyang gustong gampanan na karakter.

“Marami pa hindi ko lang ma pinpoint kung ano ‘yun kasi sa dami naman ng tao, e, di ang daming kuwento no’n. Pero siyempre kung ako ang tatanungin mo, gusto kong maging bida nu’ng katulad nu’ng 1917 kasi sinusundan siya,” say ni dire Ricky.

Samantala, nakapag first shooting day na ang Parole na kinunan sa Quezon City at sa Abril o Mayo kukunan lahat ang eksena sa Ilocos kung saan hinahanap ni Rikcy ang nawawalang kaibigan na hindi niya nakita simula nang makulong siya.

-REGGEE BONOAN