ISA-SUBMIT ng Viva Films ang pelikulang Penduko ni Matteo Guidicelli sa 2020 Metro Manila Film Festival. Isa ito sa mga nabanggit ni director Jason Laxamana nang i-announce ang partnership nang itinatag niyang Ninuno Media sa Viva Communications, Inc. After Holy Week pa niya sisimulan ang shooting dahil bukod sa may acting workshop pa si Matteo at baka ituloy pa ang physical training, naghahanap pa ang team niya ng location sa Batangas area at gusto niya ng “pristine” location.

Matteo

Kaya kundi lang busy sa ibang commitment, may time mag-honeymoon sina Matteo at Sarah Geronimo, pero parehong busy ang mag-asawa, saka na raw ang honeymoon.

Anyway, hindi lang sa filmmaking magpu-focus ang Ninuno Media, nabanggit ni direk Jason at dahil creative production ito, maglalabas din sila ng books, stage plays, concerts, online series, graphic novels and comics.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

In-announce na nga ni direk Jason sa social media na sa April na ang labas ng Anitu comics na mabibili for P199.00 only.

“Parang venti na Starbucks frappe lang ang halaga o mga kabangka, heto na po ang presyo ng #ANITU comics! Full color glosst pages,” pagpa-plug ni direk Jason.

Sa isa pa nitong post, ang sabi, “My newest venture in partnership with @viva_ent- Ninuno Media- is officially launched!!! Among our upcoming projects are Penduko (film), Anitu (comics), Aswang Country (graphic novel/movie) and the sequel to 100 Tula Para Kay Stella (film).”

With this partnership, hindi na lang talent at director a ng mga gagawin niyang pelikula sa Viva Films si direk Jason, co-owner na siya ng kanyang mga pelikula.

“Nakita ng Viva ang strength ni direk Jason, hindi lang sa pagdidirek. Nakita namin ang love niya sa arts, music, comics, ang dami niyang nata-tackle at maraming gustong gawin. We need to support him, unique siya at global mag-isip pero very Filipino ang approach. Kaya sa partnership niya sa Viva, he’s now a copyright owner of the movie he’ll produced under Ninuno Media” pahayag ni Mr. Vincent del Rosario.

Sabi ni direk Jason, “very motivating for me at gusto ko ang ganitong set up. Hindi na lang ako talent, we co-owned the film. It’s a good share deal.”

Part owner ang Viva Communications ng Ninuno Media, sila ang maglalabas ng pera sa maraming projects na gagawin ni direk Jason.

May movie pang gagawin si direk Jason sa Regal Entertainment at Star Cinema at kapag natapos na ang mga unang commitment, mag-iisip pa siya kung sa Ninuno Media na lang siya gagawa ng pelikula.

-Nitz Miralles