ANG mga matagumpay at mga bagong sumisikat na mananabong at gamefowl breeders ng North Luzon at Metro Manila ay magbibitaw ng kanilang pinakamahuhusay na tinale sa kanilang pagsabak sa kani-kanilang mga qualifiers para sa prestihiyosong Thunderbird Pampanga Challenge 2020 na nakatakda sa Porac Cockpit Arena sa Mayo 20.

Ang lahat ng magwawaging regional qualifiers ay hahamunin naman ang mga Thunderbird National Endorsers na kinabibilangan ng nagtatanggol na kampiyon na si Baham Mitra, Cong. Sonny Lagon, Nene Abello, Cong. Eddiebong Plaza, Nestor Vendivil, Paolo Malvar, Baham Mitra, Rey Briones, Joey Sy, Kano Raya, Engr. Sonnie Magtibay, Marcu del Rosario, Mayor Jesry Palmares, Dennis de Asis, Jo Laureno, Mayor Baba Yap, Bebot Monsanto, Bernie Tacoy, Winnie Codilla, Tan Brothers (Jun, Bobot & Bong), Evan Fernando, Mariano Brothers (Tol & Lino), Manny Dalipe, Bentoy Sy atbp.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

 Ang North Luzon Qualifiers 5-Bullstag Derby ay magkakaroon ng tatlong regional championships sa Pangasinan Coliseum ( Marso 29 ); Jaycee Clay Sports Complex, Isabela ( Abril 08 ) at Porac Cockpit Arena ( Abril 13).

Para mga iskedyul ng eliminasyon sa inyong rehiyon sa North Luzon, maaaring makipag-ugnayan sa mga Thunderbird Gamefowl Specialist na naka-assign sa inyong lugar tulad nina Victor Jose Pidlaoan Corpuz (Cagayan, Isabela,Vizcaya,Quirino, Ifugao, Kalinga); May Aleli Ambatcan (Pangasinan, La Union, Baguio City); Mary Ann Taray-Ao (Ilocos Region, Abra); Christian Ihapon Astrera- Pampanga, Bataan, Zambales, Tarlac at Chamas Francisco