NEW ORLEANS (AP) — Wala sa lineup si Anthony Davis. Walang dapat ipagamba ang Lakers fans.

MULING bumida si LeBron James (23) para sandigan ang Los Angeleds Lakers sa season sweep kontra New Orleans Pelicans nitong Linggo (Lunes sa Manila) sa NBA. (AP)

MULING bumida si LeBron James (23) para sandigan ang Los Angeleds Lakers sa season sweep kontra New Orleans
Pelicans nitong Linggo (Lunes sa Manila) sa NBA. (AP)

Sa pangunguna ni LeBron James na nagsalansan ng 34 puntos, 13 assists at 12 rebounds, naisalba ng Los Angeles Lakers ang matikas na opensa ni Zion Williamson para sa 122-114 panalo laban sa New Orleans Pelicans nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Kumubra si Williamson, ang 2019 top rookie piclm ng 35 punts at may anim lamang na turnovers.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

Nag-ambag si Kyle Kuzma ng 20 puntos, kabilang ang 3-pointer na naghila sa kalamangan ng Lakers sa 113-109 may 3:40 ang nalalabi sa laro. Mula rito, humarbat na ng todo si James.

Hindi nakalaro si Davis, walong season na lider ng Pelicans bago lumipat sa Lakers, bunsod ng pamamaga ng kanang tuhod na natamo sa laro laban sa Memphis.

Kumana si Kentavious Caldwell- Pope ng 13 puntos at tumipa si JaVale McGee ng walong puntos at anim na blocked shots para sa Lakers.

NUGGETS 133, RAPTORS 118

Sa Denver, kumana si Nikola Jokic ng 23 puntos, 18 rebounds at 11 assists para sa ika-12 triple-double ngayong season sa panalo ng Denver Nuggets kontra Toronto Raptors.

Tangan ni Jokic ang kabuuang 43 triple-doubles sa career matpos makumpleto ang assists kay Jerami Grant on tungo sa pagdomina sa Raptors, nagapi sa ikatlong sunod na laro.

Tumapos si Grant na may 16 puntos para sa Denver.

Naglaro ang Toronto na wala sina Serge Ibaka at Fred VanVleet sa ikalawang sunod na laro.

KINGS 106, PISTONS 100

Sa Sacramento, ginapi ng Sacramento Kings, sa pangunguna ni De’Aaron Fox na umiskor ng 23 puntis, ang Detroit Pistons.

Nag-ambag si Buddy Hield ng 19 puntos, habang kumana si Bogdan Bogdanovic ng 15 puntso at humirit si Harrison Barnes ng 10 puntos at walong rebounds sa Sacramento.

Nakamit ng Kings ang ikaapat na panalo sa huling limang laro matapos ang All-Star break.

Nanguna si Christian Wood sa Pistons na may 20 puntos at 12 rebounds.

CLIPPERS 136, SIXERS 130

Sa Los Angeles, apat na players ng Los Angeles Clippers ang umiskor ng 20 puntos o higit pa, sa panalo laban sa Philadelphia 76ers.

“We needed everyone tonight,” pahayag ni Clippers coach Doc Rivers. “Philadelphia played great and it felt like they made very shot, but our guys shot better. If we’re not at full strength, we don’t win the game for sure.”

Ito ang unang pagkakataon mula noong April 1989 na may apat na players ng Clippers ang umiskor ng 24 o higit pang puntos.

Hataw si Kawhi Leonard na may 30 puntos, habang kumana si Paul George ng 24 puntos at nagt-ambag sina reserves Montrezl Harrell at Lou Williams ng tig-24 puntos.

“We’re still at a point where we want to get better. We’re not being complacent at all. Hopefully we can stay healthy and keep building,” pahayag ni Leonard.