IBA’T IBANG klase ang songwriters noon at ngayon. One composer we admire most ay ang yumaong George Canseco. Hindi mabilang na love songs ang nilikha ni Canseco na up to now ay binibigyan ng ibang version. Pawang mga sikat na singers ang nagsaplaka like Sharon Cuneta (P.S I Love You), Basil Valdez (Ngayon at Kailanman), Zsa Zsa Padilla (Hiram), Dulce (Ako ang Nasawi, Ako ang Nagwagi), Kuh Ledesma (Dito Ba) at Pilita Corrales (Kapantay Ay Langit). Mabilis makagawa ng kanta si Canseco. Kung baga sa writer wala siyang writer”s block na tinatawag or waiting for the right mood.
Dumako naman tayo sa rapper composer Gloc 9. Maingat siya sa pagkatha lalo na kung relevant issues ang tatalakayin. Maigi niyang kino-consider kung ano ang magiging epekto nito sa music fans. Hindi niya basta sasakyan ang isang pangyayari only because it is a big issue tulad ng COVID-19.
Noong sulatin ni Gloc 9 ang Sirena ay naging maingat siya na hindi mainsulto ang LGBT Community. Agad nag-click ang Sirena and became one of his OPM hit compositions.
Sina Gloc 9 at Shanti Dope ang pangunahing attraction in Padi’s Barkada Bar Tour 2020.
-REMY UMEREZ