INAMIN ng Kapamilya actor na si Enchong Dee na noon pa man ay may mga nag-uudyok sa kanyang pumasok sa politika, pero para sa aktor hindi niya nakikita ang sarili sa larangang iyon.

Enchong

“Sa totoo lang ayoko talaga. Ang dami ring nagsasabi sa akin na tumakbo. Kasi yung public service pwede mo siyang gawin kahit hindi ka nakaupo e,” pagbabahagi ni ni Enchong sa ilang press na dumalo sa naganap na story conference noong Sabado, Pebrero 28 para sa kanyang bagong pelikula, ang Muelle De Binondo.

Kilalang bukas sa pagpapahayag ng opinyon si Enchong sa mga isyung politikal at sosyal. Ilang beses na rin siyang nasangkot sa isyu dahil sa kanyang mga pahayag.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

Para sa aktor, mas nais niya ang ‘peace of mind’sa halip na pumasok sa mundo ng politika.

“Tsaka alam naman natin kung ano talaga ang nangyayari sa loob ng pulitika. So mas okay na rin ako na tahimik ang buhay ko tsaka walang presyo yun e, yung lalabas ka sa bahay mo safe ka walang nakatingin sayo o tatarget sayo. Lagi kong sinasabi, walang presyo yung peace of mind,” katwiran ni Enchong.

“Ako naman ang punu’t-dulo ko naman, mahal ko lang ang bansa. Gusto ko lahat ng Pilipino mayaman, gusto ko lahat tayo mayaman. Yun lang naman ang gusto ko e. And if I can do it in a way na wala ako sa gobyerno, mas okay ako. Yun na lang siguro ang gagawin ko,”dagdag pa nito.

Si Enchong ang bida sa isang historical fiction movie, ang Muelle De Binondo, kung saan niya makakasama ang aktres na si Cindy Miranda

-ADOR V. SALUTA