ANG pinakamahuhusay at kinikilalang mga gamefowl breeders ng apat na lalawigan ng Cebu, Bohol, Negros Oriental at Siquijor kasama ang tatlong siyudad ng Cebu City, Lapu-Lapu at Mandaue ang maghaharap sa pagratsada ng Central Visayas’ qualifier events para sa pinag-uusapan na Thunderbird Pampanga Challenge 2020.
Nagsimula nitong Peb 29 sa Bogo Cockpit, ang mga 2-bullstag/cock na eliminasyon ay magpapatuloy sa Mar. 8 – Tabuela Orange Cockpit; Mar. 15 – Gallera De San Enrique; Mar. 26 – Laguda Cockpit; Apr. 4 – Escalante Peoples Arena; Abr. 4 – New Ubay Cockpit; Abr. 4 - Simala Orange Cockpit at Abr.8 – Segundo S. Lim Memorial Cockpit.
Ang 3-cock/bullstag finals ay papagitna sa Gallera de Mandaue sa Abril 17, kung saan ang mananalong kampiyon kasama ng iba pang regional champions ay mabibigyan ng pagkakataon na hamunin ang mga Thunderbird National Endorsers sa pinag-uusapang 2020 Thunderbird Pampanga Challenge na gaganapin sa Porac Cockpit Arena sa Mayo 20, kung saan makakalaban nila sina nagtatanggol na kampiyon na si Baham Mitra, Cong. Sonny Lagon;
Nene Abello, Cong. Eddiebong Plaza, Nestor Vendivil, Paolo Malvar, Baham Mitra, Rey Briones, Joey Sy, Kano Raya, Engr. Sonnie Magtibay, Marcu del Rosario, Mayor Jesry Palmares, Dennis de Asis, Jo Laureno, Mayor Baba Yap, Bebot Monsanto, Bernie Tacoy, Winnie Codilla, Tan Brothers (Jun, Bobot & Bong), Evan Fernando, Mariano Brothers (Tol & Lino), Manny Dalipe, Bentoy Sy atbp.
Ang entry fee ay P3,500 o P7,700 (plus empty packs of Thunderbird Enertone), kung pipilian na maglaban ng direstong limang manok sa finals.
Para sa mga karagdagang impormasyon at pagsusumite ng entry, maaring tawagan sina Doc Hanzie Dal – 0917-5283905 o Doc Vince de Guzman – 0917-8087239.