PINANGALANAN na ang mga pelikula na pasok at maglalaban-laban para sa 2020 Metro Manila Summer Film Festival, ang unang edisyon ng taunang Metro Manila Summer Film Festival sa Metro Manila at sa buong Pilipinas, na idaraos ngayong Abril sa Quezon City.

'A Hard Day'

Kabilang sa walong entries na pasok sa film festival ang: A Hard Day, Korean adaptation, with the same title, na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes; Tagpuan, alternative vision; Love the way u lie, ni Xian Lim mula sa Viva; Isa pang Bahaghari, na pinagbibidahan ni Nora Aunor, mula sa direksyon ni Direk Joel Lamangan; Ang Love or Money, nina Coco Martin at Angelica Panganiban, mula sa ABS-CBN films; Coming Home, ang comeback movie ni dating Senador Jinggoy Estrada kasama si Silvia Sanchez; Ngayon kaya, isang hugot movie nina Paolo Avelino at Janine Gutierez; at ang The Missing, nina Joseph Marco at Ritz Azul mula sa Regal Entertainment, na kinunan pa sa Japan.

Isa pang Bahaghari

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Magsisimula ang Summer MMFF sa Abril 11 hanggang Abril 21, na inorhaniza ng Metropolitan Manila Development Authority katuwang ang Cinema Exhibitors Association of the Philippines.

-REGGEE BONOAN