KUMPIYANSA ang bagong kampeon sa Community Volleyball Association Pilipinas 18-under champion na Holy Rosary College-Indus Real Estate na mapapanatili ang pundasyon kipkip ang orihinal na line-up ng koponan.

PINANGUNAHAN ni CVA founder Derlyn Maceda (dulong kaliwa) ang pagbibigay parangal sa mga individual awardees mula sa champion team Holy Rosary.

PINANGUNAHAN ni CVA founder Derlyn Maceda (dulong kaliwa) ang pagbibigay parangal sa mga individual awardees mula sa champion team Holy Rosary.

Iginiit ni Holy Rosary College coach Ellen Quinteros na dalawang players lamang nila ang aakyat sa kolehiyo kung kaya’t mapapanatili nila ang lakas at tibay para sa isa pang kampanya sa kampeonato.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

“Winning the CVA championship is a big boost to the confidence of the team. We’re really very hapsambit ni Quinteros sa kanyang pagbisita sa 57th “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) nitong Huwebes sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Iginiit ni Quinteros na bentahe ng Sta. Rosa City-based Rhinos ang pagkakaroon ng solid line-up para madepensahan ang CVA 18-under crown.

“The girls played well and did not give up (during the finals). They really worked very hard to win the title,” sambit ni Quinteros.

Sa naging tagumpay sa CVA, tumanggap ang Holy Rosary College ng oremyon P250,000.

Ilan sa mga players ni Quinteros ay kasama niya sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks tulad nina Finals MVP Cheska Carlos, team captain Aliah Marce, Caryl Quilem, Red Bascon, Lency Duarte, Bernadeth Nasol, Abby Eusebio at Jaica Lopez.

Ipinagkaloob din ni CVA official Derlyn Maceda ang medalya para sa indivisual awardees, gayundin ang runner-up trophy sa General Trias Lady Valiants.

Nakamit ng Holy Rosary College ang kampeonato nang gapiin ang liyamado at walang talong California Academy, 26-24, 25-27, 21-25, 25-18, 15-13, sa sudden death Game 3 sa San Andres Sports Complex sa  Manila.